Dating nurse umasenso sa negosyong gluta | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating nurse umasenso sa negosyong gluta

Dating nurse umasenso sa negosyong gluta

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang cum laude graduate ng kursong nursing si Leo Ortiz pero hindi niya inakala na magiging mahirap ang buhay nang siya ay magtapos ng pag-aaral.

"Sobrang saya po ng feeling after graduation. [Pero] after po hindi po naging madali kasi akala ko may work agad kasi nga honor," kuwento ni Ortiz sa programang "My Puhunan."

Naging volunteer nurse si Ortiz sa isang pagamutan sa pag-asang ma-absorb siya kalaunan, pero hindi iyon ang nangyari.

"Dapat daw may kakilala ata," sabi niya.

ADVERTISEMENT

Pero para sa ina, pumasok si Ortiz sa isang call center para lang kumita.

"Medyo nalungkot po nung una kasi nursing ako tapos wala ako sa ospital, parang profession ba talaga 'to," tanong niya noon sa sarili.

Sinubukan din niya ang pagbebenta ng sari-saring produkto sa pamamagitan ng networking, kung saan inamin niyang nahihiya siya sa tuwing makikita ang kaniyang mga kasabayan.

"Na-discourage po ako. Pero kung susuko ako at hindi ko tatatagan ang loob ko, wala po. So laban lang po," aniya.

Hanggang isang araw ay naisip niyang pasukin ang negosyong pampaputi ng balat na gluta, na noo'y nauuso sa mga artista.

ADVERTISEMENT

"Usong-uso po noon 'yung gluta capsules at injectibles. Ako po 'yung nag-iinject ng gluta IV tutal ako naman ay registered nurse at may license."

Doon na simulang naka-ipon si Ortiz hanggang sa makapagtayo siya ng sariling aesthetic center at nakapag-develop pa ng sariling food supplement at inumin.

"Nakita ko po kasi ang mga Pinoy mahilig sa medyo unhealthy food po," paliwang ni Ortiz.

Sa ngayon, nakaraos na sa buhay si Ortiz at naibibigay na niya ang gusto ng kaniyang pamilya, lalo na ang mga hiling ng ina tulad ng pagta-travel at shopping.

"Kailangan po talaga desidido, pursigido, tsaka masipag," payo ni Ortiz sa mga nais magnegosyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.