RECIPE: Paklay ng Visayas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Paklay ng Visayas
RECIPE: Paklay ng Visayas
ABS-CBN News
Published Feb 27, 2019 12:46 PM PHT
|
Updated Feb 27, 2019 01:08 PM PHT

Ang putaheng "paklay" ay nagmula sa Visayas at sahog nito ang iba't ibang parte ng laman loob ng baka gaya ng atay at bituka.
Ang putaheng "paklay" ay nagmula sa Visayas at sahog nito ang iba't ibang parte ng laman loob ng baka gaya ng atay at bituka.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Brian Flores para ibahagi kung paano magluto ng paklay dish.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Brian Flores para ibahagi kung paano magluto ng paklay dish.
Narito ang mga sangkap:
• ½ kilong tuwalya ng baka
• ¾ kilong atay ng baka
• 1/3 bituka ng baka
• 2 tasang labong (hiwain nang pahaba)
• ½ tasang luya, (hiwain nang pahaba)
• 3 butil ng bawang (tinadtad)
• 2 kutsaritang toyo
• 1 sibuyas
• 1 tasang tubig o broth ng karne
• ½ kutsarita ng atsuete powder
• 5 kalamansi
• 80 gramong pinya
• Asin
• Pamintang durog
• 2 siling haba
• Mantika
• Black beans
• Carrots (optional)
• 1 pc red bell pepper (optional)
• ½ kilong tuwalya ng baka
• ¾ kilong atay ng baka
• 1/3 bituka ng baka
• 2 tasang labong (hiwain nang pahaba)
• ½ tasang luya, (hiwain nang pahaba)
• 3 butil ng bawang (tinadtad)
• 2 kutsaritang toyo
• 1 sibuyas
• 1 tasang tubig o broth ng karne
• ½ kutsarita ng atsuete powder
• 5 kalamansi
• 80 gramong pinya
• Asin
• Pamintang durog
• 2 siling haba
• Mantika
• Black beans
• Carrots (optional)
• 1 pc red bell pepper (optional)
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan ang tuwalya, atay at bituka ng baka sa loob ng 30 minuto. Hanguin at palamigin.
Pakuluan ang tuwalya, atay at bituka ng baka sa loob ng 30 minuto. Hanguin at palamigin.
ADVERTISEMENT
Sa isang kawali, igisa ang bawang, luya at sibuyas.
Sa isang kawali, igisa ang bawang, luya at sibuyas.
Ilagay ang pinakuluang lamang loob ng baka (tuwalya, atay at bituka), at isangkutsa.
Ilagay ang pinakuluang lamang loob ng baka (tuwalya, atay at bituka), at isangkutsa.
Timplahan ng toyo, paminta, asin at atsuete powder.
Timplahan ng toyo, paminta, asin at atsuete powder.
Ihalo ang tubig o broth ng pinagpakuluan ng lamang loob ng karne.
Ihalo ang tubig o broth ng pinagpakuluan ng lamang loob ng karne.
Isunod ang labong, carrots, bell peppers, at siling haba. Pakuluan sa loob ng 5 minuto.
Isunod ang labong, carrots, bell peppers, at siling haba. Pakuluan sa loob ng 5 minuto.
Ilagay ang pinya at kalamansi, timplahan ng naayon sa panlasa. Pakuluan sa loob ng 1 minuto.
Ilagay ang pinya at kalamansi, timplahan ng naayon sa panlasa. Pakuluan sa loob ng 1 minuto.
Maaari nang ihain ang paklay.
Maaari nang ihain ang paklay.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
affordable meals
regional dishes
Visayan dish
Visayas Region
Paklay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT