RECIPE: Bopis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Bopis

RECIPE: Bopis

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang tanyag na putaheng bopis ay gawa sa baga at puso ng baboy.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ng guest kusinerang si Chef Donna Perolina ang sikreto kung paano mawawala ang lansa ng nasabing lamang loob.

Aniya, pakuluan muna ang baga at puso ng baboy sa tubig na may halong pandan at tanglad upang mawala ang amoy at masamang lasa nito.

Upang simulan ang paggawa sa bopis, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/2 kilong puso ng baboy
• 1/2 kilong baga ng baboy
• Luya
• Bawang
• Sibuyas
• Carrots
• 3 pirasong siling labuyo
• Bell pepper
• Toyo
• 1 kutsarang atsuete
• Asin
• Paminta

ADVERTISEMENT

Maggisa ng bawang, sibuyas, at luya. Siguraduhing dinurog ang luya dahil magsisilbi itong pangtanggal ng lansa ng mga lamang loob.

Ihalo ang mga karneng pinakuluan sa tanglad at pandan.

Ilagay ang carrots, labanos, at bell pepper.

Isunod naman ang atsuete, suka, at toyo

Pakuluan nang 5 hanggang 10 minuto hanggang sa mawala ang sabaw.

Ilagay ang dahon ng laurel. Timplahan ng paminta at asin ayon sa iyong panlasa.

Lagyan din ng siling labuyo kung nais ng maanghang na lasa.

Payo ni Chef Donna, maaaring gumamit ng ketchup kapag walang mahanap na atsueta bilang pampakulay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.