RECIPE: Vegetable okoy

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 12:07 PM | Updated as of Feb 26 2020 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ginugunita ngayong Miyerkoles ang Ash Wednesday, na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Dahil ang Kuwaresma ay panahon din ng pagpa-fasting, isang recipe na healthy, abot-kaya, at masarap ang ibinahagi ni Bryan Timoteo ng Bayani Bento Meals sa “Umagang Kay Ganda.” Ito ang vegetable okoy.

Narito ang mga kakailanganing sangkap:

Flour mixture
•½ tasa ng harina
•½ tasa ng cornstarch
•Isang piraso ng itlog

Mga gulay
•1 tasa ng togue
•1 tasa ng repolyo
•1 tasa ng sayote
•1 tasa ng kalabasa
•1 kutsara ng flax seeds (optional)
•Asin
•Paminta

Narito naman ang paraan ng pagluluto ng vegetable okoy:

•Sa isang bowl, ilagay ang batter mixture na harina, cornstarch, at itlog. Haluing mabuti ang mga sangkap.
•Sunod na ilagay ang togue, repolyo, sayote, kalabasa, at flax seeds.
•Timplahan ang mga pinaghalong sangkap gamit ang asin at paminta.
•Iprito ang okoy mixture hanggang sa mag-golden brown ang kulay at maluto ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.