RECIPE: Pinais na hipon | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Pinais na hipon

RECIPE: Pinais na hipon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung nagke-crave ng seafood, puwedeng subukan ang pinais na hipon, isang recipe na galing Quezon province.

Itinuro ng chef na si JC Bolisay sa programang “Umagang Kay Ganda” ang paraan ng pagluto sa nasabing putahe, na natatangi dahil sa paghalo nito ng hipon sa buko o niyog at pagkakabalot sa dahon.

“Ang pinais po ‘yong mga binabalot po natin sa dahon, lalo na sa [dahon ng] saging,” paliwanag ni Bolisay sa pangalan ng putahe.

Ang dahon, lalo na ang dahon ng saging, ay nakadadagdag sa aroma o amoy ng pagkain, ani Bolisay.

ADVERTISEMENT

Narito ang mga sangkap na kakailanganin:
• ¼ kilo ng hipon (binalatan)
• ¼ tasa ng shrimp juice (pinagpigaan ng hipon)
• ¼ kilo ng hiniwang liempo
• 2 tasa ng buko meat
• Isang maliit na sibuyas
• 4 na butil ng bawang
• Asin
• Paminta
• 2 tasang gata
• Dahon ng saging
• Sabaw na buko

Ayon kay Bolisay, narito ang paraan ng pagluluto sa pinais na hipon:
• Sa isang mangkok, ilagay ang balat ng hipon at tubig. Gamit ang kutsara durugin ang hipon hanggang lumabas ang katas at itabi.
• Sa hiwalay na bowl, paghaluin ang hiniwang hipon, liempo, bawang, sibuyas, laman ng buko, at katas ng balat ng hipon. Timplahan gamit ang asin at paminta.
• Maglagay ng 3 kutsara ng pinaghalong karne at hipon sa dahon ng saging, tupiin at talian.
• Ayusin sa isang kawali ang mga nabalot na at lagyan ng sabaw ng buko at pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Pagkakulo, hanguin at itabi.
• Pakuluan muli ang natirang sabaw ng buko, haluan ng gata, at pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumapot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.