'They've become a family': Catriona nagbigay pugay sa Pinoy glam team | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'They've become a family': Catriona nagbigay pugay sa Pinoy glam team

ABS-CBN News
Published Feb 21, 2019 09:51 PM PHT
|
Updated Feb 21, 2019 09:52 PM PHT

Todo-puri si Miss Universe Catriona Gray sa kaniyang Pinoy glam team na kasama niya mula pa noong Binibining Pilipinas days hanggang sa kaniyang homecoming ngayon.

"My heart is always with my Filipino team because they've seen me all throughout my journey...They're the ones who really allowed me to bring the vision of my wardrobe come to life," ani Gray.

Kabilang sa mga miyembro ng tinaguriang "Team Catriona" ang fashion designer na si Mak Tumang, shoemaker na si Jojo Bragais, at fashion stylist na si Justine Aliman.

Dagdag pa nito, naging pamilya na niya ang glam team na tumulong sa kaniya simula't sapul.
Dagdag pa nito, naging pamilya na niya ang glam team na tumulong sa kaniya simula't sapul.
ADVERTISEMENT
"They've become a family and I always love working with them," sabi ni Gray.
Ipinagmalaki rin ni Gray ang sampaguita at anahaw-inspired na outfit na likha ni Tumang na suot niya sa kaniyang homecoming parade nitong Huwebes.

Samantala, umarangkada ang parada para kay Gray bandang alas-2 ng hapon.

Sakay ng lava-inspired na karosa, nilibot ni Gray ang Kamaynilaan simula CCP Complex sa Pasay City, Roxas Boulevard, Maynila, at Makati.

Pagdating sa Taft Avenue, marami ang fans na sumalubong sa parada mula sa mga opisina at eskuwelahan.

Bandang alas-5 na nang makarating sa Ayala Avenue sa Makati ang float ni Gray kung saan nagsaboy ng confetti na tila piyesta.

Back to normal na ang daloy ng trapiko sa Ayala Avenue na isinara sa kasagsagan ng parada.

Sa Biyernes, nakatakdang bumisita si Gray sa programang "It's Showtime."

Linggo naman gaganapin ang "Raise Your Flag For Catriona Gray" sa Big Dome kung saan bibigyang pugay si Gray.
—Ulat nina Mario Dumaual at MJ Felipe, ABS-CBN News