Sunflower farm at overlooking view sa water falls, patok na pasyalan sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2021 04:04 PM

Dinarayo ng mga lokal na turista ang pinakabagong atraksiyon sa Kinawe, Libona, Bukidnon.

Ito ang Kinawe Blooming Farm, isang picture-perfect lugar dahil sa daan-daang sunflowers na namumukadkad.

Sunflower farm at overlooking view sa water falls, patok na pasyalan sa Bukidnon 1
Daan-daang sunflower ang namukadkad sa Kinawe Blooming Farm. Pwedeng magpa-picture sa mga bulaklak na ang background ay ang mountain scape ng bayan ng Libona. Larawan mula kay PJ dela Pena

Pwedeng magpa-picture sa sunflower garden, background ang mountain scape ng bayan ng Libona. 

Meron ding “karomata” rides na hila-hila ng kalabaw.

Magbayad lamang ng P50 na entrance fee sa Kinawe Blooming Farm at ito ay consumable at puwedeng ipambili ng sari-saring gulay o sunflowers mula sa garden. Ang regular size na sunflower ay P50 ang halaga habang P200 naman para sa mga giant sunflower.

‘Di kalayuan sa Kinawe Blooming Farm ang Barangay Kiliog sa bayan pa rin ng Libona.

Sunflower farm at overlooking view sa water falls, patok na pasyalan sa Bukidnon 2
Enjoy ang mga turista na magpakuha ng retrato sa viewing deck sa likod na mga bundok at Angel Falls.

Dito makikita ang Vista West Cafe na may overlooking view ng Bubunawan River at Angel Falls sa bayan ng Baungon, Bukidnon.

Entrance sa lugar ay P20 at magdagdag lang ng P25 kung pupunta sa viewing platform kung saan pwedeng ma-solo ang view.

Background sa magandang view ang Angel Falls.

- Ulat ni PJ dela Pena