ALAMIN: Ilang pagkain, inuming makatutulong sa pagbubuntis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ilang pagkain, inuming makatutulong sa pagbubuntis

ALAMIN: Ilang pagkain, inuming makatutulong sa pagbubuntis

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 18, 2019 05:48 PM PHT

Clipboard

Ipinayo ng isang gynecologist sa mga buntis ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa protina, fiber o himaymay, at calcium dahil nakatutulong daw ang mga ito sa pagdadalantao.

"Lalo na sa first trimester, first three months, diyan pa lang nabubuo si baby so... kailangan pong kumain ng maraming protina, high-protein diet," sabi ni Dr. Sharon Gianan-Cruz sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang daw sa mga pagkaing sagana sa protina ang isda, lean meat o iyong mga karneng kaunti ang taba, at manok na tinanggalan ng balat.

Mainam ding isama sa diyeta ang mga gulay na mayaman sa protina gaya ng mga gulay na "may beans," at itlog, ani Gianan-Cruz.

ADVERTISEMENT

Makatutulong daw sa pagbubuntis ang gatas dahil sa taglay nitong calcium na nakatutulong sa pagbuo ng buto ng batang ipinagbubuntis.

Mataas din daw ang calcium ng ice cream at yogurt.

Kung wala namang panahon para uminom ng gatas, maaari naman daw uminom na lang ng calcium tablet.

Ang isang tableta, ani Gianan-Cruz, ay katumbas ng isang baso ng gatas.

Kailangan daw na marami ang calcium sa katawan ng isang buntis dahil kung hindi ay calcium mula sa mga buto nito ang kukuhanin ng bata.

"'Yong ipin mo, buto mo, doon kukuhanin ng bata, 'yong calcium mo," anang doktora,"ikaw ang kukuhanan ng baby."

MGA MATATAMIS

Ayon pa sa doktora, kailangang maging maingat ng mga buntis sa pagkain ng mga prutas at iba pang matatamis, lalo kung may posiblidad na sila ay magkaroon ng diyabetes.

Hindi naman daw ito ipinagbabawal pero dapat ay hindi sumobra sa kinakaing matamis.

"Everything in moderation," aniya.

Pinabulaanan din ni Gianan-Cruz na nagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol ang pinya.

Mabuti pa nga raw sa katawan ang pinya dahil sa taglay nitong fiber.

Pagdating naman sa kape at tsaa, sinabi ng doktora na hangga't maaari ay isang tasa lamang ng mga ito ang inumin sa isang araw.

"Pati tea... pareho siya ng kape kasi, may nicotine din siya saka caffeine," paliwanag ni Gianan-Cruz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.