Paano makasasagip ng taong nalulunod? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano makasasagip ng taong nalulunod?

Paano makasasagip ng taong nalulunod?

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2018 12:17 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May mga pagkakataong peligroso ang pagpunta sa mga pool at beach resort, lalo na kung hindi marunong lumangoy at malalim ang paglalanguyan.

Ibinahagi ng survival expert na si Cristy Dante Shepard ang iba't ibang paraan upang makasagip ng taong nalulunod.

Isa na rito ay ang reach technique.

“Kung mayroon tayong mahaba na katulad ng kawayan or stick, puwede nating ipaabot doon sa tao," paliwanag ni Shepard.

ADVERTISEMENT

Mas makabubuti rin kung kayang pakalmahin ang taong nalulunod dahil mas mabilis ang paglubog kapag pakawag-kawag.

"Bibigyan ng instruction yung tao para maging kalmado siya. Sa pamamagitan niyan, maliligtas natin yung biktima na nalulunod," ani Shepard.

Kapag kalmado rin ang nalulunod ay mas mabilis itong makauunawa ng mga karagdagang tagubilin para maligtas.

Kapaki-pakinabang din ang paghagis ng mga improvised flotation device tulad ng mga container ng tubig.

Bukod sa reach technique, maaari ring gawin ang wade technique o iyong pagdudugtong-dugtong ng mga tao hanggang sa maabot ang taong nalulunod.

Kung marunong namang lumangoy, maaaring iligtas ang nalulunod sa pamamagitan ng ng cross-check carry.

Pero tiyakin munang kalmado ang nalulunod bago lapitan at sagipin.

Para sa dagdag na ligtas tips, sundan ang ‘Red Alert’ sa Facebook at Twitter.

-- Ulat nina Jeff Canoy at Toph Doncillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.