Animal lovers nagtungo sa Animal Con 2023 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Animal lovers nagtungo sa Animal Con 2023

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Feb 10, 2023 08:14 PM PHT
|
Updated Feb 10, 2023 08:38 PM PHT

MAYNILA — Sa mga animal lover na may planong mamasyal ngayong weekend, swak na puntahan ang Animal Con 2023 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Tampok dito ang mga booth ng iba't ibang hayop tulad ng aso, ibon, isda, at reptile animals tulad ng ahas, iguana, at pagong, habang may farm animals din tulad ng manok.

Sentro rin ng atraksiyon ang kabayo na marami ang nagse-selfie.

Bata man o matanda ay enjoy sa pamamasyal dito.
Bata man o matanda ay enjoy sa pamamasyal dito.
ADVERTISEMENT
Ang Animal Con 2023 ay ang kauna-unahang animal convention dito sa bansa.

Bukod sa pag-exhibit ng iba't ibang hayop, nais din nilang matulungan ang mga negosyo na may kinalaman sa hayop na naapektuhan ng pandemya.

Layon din nila na maturuan ang mga pet lover na maging responsableng pet owners at isulong ang mga adbokasiya sa tamang pag-aalaga ng mga hayop.

Bukod sa mga booth, highlight din ang mga nakalatag na aktibidad tulad na lang ng fashion show na ito kung saan nagpasiklaban sa pagrampa ang mga fashionistang pet tulad ng aso, pusa, kuneho, pagong at iba pang hayop suot ang kanilang makukulay na costume.

Kabilang sa mga dapat pang abangan na aktibidad ay ang fancy chicken show.
Kabilang sa mga dapat pang abangan na aktibidad ay ang fancy chicken show.
ADVERTISEMENT
Magkakaroon din ng coronation ng Mr. and Ms. Universe Canine Philippines.

Maigting naman ang ipinapatupad na seguridad ng mga pet owner at veterinarian para matiyak ang kaligtasan ng mga namamasyal pati na rin ng mga hayop.

Ang Animal Con 2023 ay magtatagal hanggang sa Linggo, February 12 at may entrance fee ito na P200.