‘Mapait na ampalaya, mayaman sa sustansiya’ | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Mapait na ampalaya, mayaman sa sustansiya’

‘Mapait na ampalaya, mayaman sa sustansiya’

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Maraming tao ang ayaw sa ampalaya dahil sa mapait nitong lasa pero maraming benepisyo sa kalusugan ng tao ang pagkain nito, ayon sa isang eksperto.

Mayaman sa mga bitamin at mineral ang ampalaya na nakatutulong para mapalakas ang katawan at makaiwas sa sakit, sabi sa “Salamat Dok” ni Kareena Ynez Abungin, nutrition officer mula sa National Nutrition Council.

Ang isang tasa ng ampalaya ay katumbas ng 14 milliliters ng Vitamin C na nagsisilbing panlaban sa sakin, ayon kay Abungin.

Mayroon din daw collagen ang ampalaya para sa mas malusog na balat at mga buto.

ADVERTISEMENT

Taglay din umano ng bunga ang Vitamin C, calcium, iron, folate at phosphorus.

Maaari ring makakuha sa ampalaya ng dietary fiber na mainam para sa mga hirap sa pagdumi, at pagkontrol ng blood sugar at kolesterol, ani Abungin.

Sakaling hindi talaga gusto ang lasa, may mga paraan naman para mabawasan ang pagkapait ng ampalaya, ayon kay Abungin.

Puwede raw budburan ng asin ang bunga o pakuluan ito saka lagyan ng isang kutsaritang asin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.