Patok na putahe sa mga kabataan ang pininyahang manok dahil matamis ito na maaari pang haluan ng gata o gatas na evaporada.
Sa kaniyang pagbisita sa programang "Umagang Kay Ganda" ay itinuro ng guest kusinero na si Chef Jed De Guzman kung papaano lutuin ang malinamnam na ulam.
Upang simulan ang paggawa sa pininyahang manok, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
•1/4 kilo ng chicken breast
•1/4 mantikilya
•1/4 luya
•4 pirasong bawang na tinadtad nang pino
•1 pirasong sibuyas
•1 pirasong maliit na green bell pepper
•1 pirasong maliit na red bell pepper
•1/2 carrots
•5 pirasong kabute
•Pamintang durog
•1 tasa ng chicken stock
•Asin o patis
•1 tasa ng pineapple juice
•1 tasa ng pineapple chunks
•Gata o evaporated milk
Unang pakuluan ang manok hanggang sa bahagyang maluto. Itabi ito.
Igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Sunod na ihalo ang mushroom o kabute.
Ilagay na ang napakuluang manok. Hintaying maging golden brown nang kaunti.
Ihalo ang chicken stock at mag-intay ng ilang minuto bago ilagay ang carrots at bell pepper.
Ilagay ang pineapple chunks at pineapple juice at hintaying kumulo ng limang minuto.
Maaari nang ihalo ang gata o gatas na evaporada.
Lagyan ng patis o asin bilang pampalasa.
Payo ni De Guzman, maaari ring maglagay ng patatas o toge sa putahe, depende sa inyong panlasa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, Umagang Kay Ganda, UKG, pininyahang manok, putahe, ulam, chef, kusina, pagluluto, cooking, food, recipes, recipe