'Kahit athletes di exempted': Heart attack posible pa rin kahit may active lifestyle

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Kahit athletes di exempted': Heart attack posible pa rin kahit may active lifestyle

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Hindi porke may active lifestyle ang isang tao, nangangahulugang hindi na siya maaaring magkaroon ng sakit o atakahin sa puso, ayon sa isang doktor.

Pero binigyang diin ng cardiologist na si Chrisotpher Nazal na nakatutulong ang pagiging aktibo ng isang tao para mapabagal ang pagbabara sa kaniyang arteries, o iyong lagusan ng dugo palabas ng puso.

Ang heart attack kasi, paliwanag ni Nazal, ay dulot ng pagbabara ng arteries.

“Kapag bumara ‘yong arteries sa puso, hindi makakarating ‘yong dugo, hindi makakarating ‘yong oxygen and nutrients so puso natin, so mamamatay ‘yong heart muscle,” ani Nazal sa programang “Good Vibes” ng DZMM.

ADVERTISEMENT

“Malaking tulong kung healthy ‘yong lifestyle ng tao. Kumakain nang maganda, nag-exercise,” aniya.

May mga iba rin umanong salik ang atake sa puso, kabilang ang genetics (namamana), bisyo tulad ng pagyoyosi, at iba pang mga sakit gaya ng altapresyon, diyabetes, at mga sakit sa bato.

Pero kahit daw iyong mga taong aktibo at naglalaro ng sports ay maaari pa ring atakihin sa puso.

“Although it’s very good na nag-exercise tayo, if we have regular physical activities, sometimes kahit athletes hindi exempted sa heart attack,” anang doktor.

Ang pagbara ng arteries ay “progressive” o unti-unting nangyayari.

ADVERTISEMENT

Sa edad 10 hanggang 12 umano nagsisimula ang pagbara ng kolesterol sa arteries, na hindi na umano natatanggal maliban na lang kung ooperahan.

“Kung nandoon na, naka-deposit na sa arteries, hindi na siya matatanggal,” ani Nazal.

“If you adapt a healthy lifestyle, ‘yong progression niya will slow down,” dagdag ng doktor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad