Sino-sino ang mga may mataas na tsansang ma-stroke? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sino-sino ang mga may mataas na tsansang ma-stroke?

ABS-CBN News
Published Feb 04, 2018 10:01 PM PHT
|
Updated Aug 21, 2018 10:08 PM PHT

Ipinaliwanag sa programang "Dra. Bles @ Ur Serbis" ng DZMM kung ano ang stroke at kung sino-sino ang mataas ang tsansang makaranas nito.

"This is a disorder in which the arteries to the brain become blocked or they rupture, resulting in the death of brain tissue," paliwanag ni Dr. Bles Salvador.

"Kapag ang mga ugat na ito ay na-block, ibig sabihin ay nabarahan at ang mga ugat na ito ay nagputukan... hindi makakapasok ang dugo or kakalat ang dugo... kapag ito'y nangyari sa lugar ng ating utak or brain, ang tawag diyan ay brain attack or stroke."

Dalawang klase rin aniya ang stroke: ischemic at hemorraghic.
Dalawang klase rin aniya ang stroke: ischemic at hemorraghic.
ADVERTISEMENT
Ischemic ang nangyayari sa 80 porsiyento ng mga nakararanas ng stroke.

"Basta ang mga ugat na dinadaluyan ng dugo papunta sa brain o utak ay na-block, nabarahan," sabi ni Salvador ukol sa ischemic stroke.

Hemorrhagic stroke naman any kapag pumutok ang mismong ugat at kumalat ang dugo na dapat ay dadalhin sa utak.

Naitala ang hemorrhagic stroke sa 20 porsiyento ng stroke patients.

Ayon kay Salvador, karaniwang naitatala ang mga kaso ng stroke sa mga edad 65 pataas.
Ayon kay Salvador, karaniwang naitatala ang mga kaso ng stroke sa mga edad 65 pataas.
ADVERTISEMENT
Lalong "at-risk" o mataas ang tsansang ma-stroke ng mga taong may iniinda nang atherosclerosis.

"[Atherosclerosis] tumitigas ang mismong ugat at nababarahan, there is blockage, barado," paliwanag ng doktor.

Isa pang itinuturing na "risk factor" sa stroke ang pagkakaroon ng hypertension.

"Mataas ang presyon ng dugo, araw-araw 160 over 100," ani Salvador.

Nakapagpapataas din ng posibilidad na ma-stroke kung naninigarilyo ang tao at kung mayroon siyang "uncontrolled diabetes."

"Kung mayroon kayong diabetes mellitus, hindi kayo nagda-diet, ibig sabihin kinakain niyo panay matatamis or madami ang kinakain at hindi umiinom ng gamot, ganiyan ang uncontrolled diabetes," sabi ni Salvador.

Payo ng doktor, magpatingin agad sa espesyalista kapag nakaramdam na ng ilang sintomas ng ischemic stroke tulad ng:

- one-sided paralysis o ang kondisyong tila hindi maigalaw ang kaliwa o kanang bahagi lang ng katawan;
- slurred speech o hindi makasalita nang deretso;
- confusion o tila madaling malito o kaya'y makalimot sa mga bagay na ginawa;
- diminishing vision o panlalabo ng paningin;
- loss of balance, madaling matalisod at nadadapa;
- headache o tila walang katapusang sakit ng ulo;
- different skin sensations o ang pakiramdam na tila may gumagapang na langgam kahit wala naman, o kaya'y pakiramdam ng pinapaso.

Ayon kay Salvador, halos magkapareho ang sintomas ng ischemic at hemorrhagic stroke pero mas matindi ang pananakit ng ulo at mas mataas ang presyon ng pasyenteng maaaring nakararanas ng senyales ng hemorragic stroke.

Kadalasan ding may kasamang nausea o pakiramdam ng naduduwal o kaya'y talagang nagsusuka ang nakararanas ng sintomas ng hemorragic stroke.

Base naman sa isang pag-aaral na isinagawa sa libo-libong babae sa Amerika, ikinokonekta ang pag-eehersisyo sa mas mababang tsansa ng pagkakaroon ng stroke.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Dra. Bles @ Ur Serbis
Dr. Bles Salvador
kalusugan
health
illness
stroke
risk factors
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT