RECIPE: Fish Escabeche | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Fish Escabeche
RECIPE: Fish Escabeche
ABS-CBN News
Published Jan 24, 2020 03:37 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2020 04:20 PM PHT

MAYNILA — Isa sa mga itinuturing na masuwerteng ihain tuwing Chinese New Year ay mga putaheng may isda.
MAYNILA — Isa sa mga itinuturing na masuwerteng ihain tuwing Chinese New Year ay mga putaheng may isda.
Kaya naman ibinahagi ni Renan Roque sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Biyernes, bisperas ng Chinese New Year, kung paano lutuin ang manamis-namis at masustansiyang fish escabeche.
Kaya naman ibinahagi ni Renan Roque sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Biyernes, bisperas ng Chinese New Year, kung paano lutuin ang manamis-namis at masustansiyang fish escabeche.
Ihanda ang mga sumusunod na sangkap:
- 1 buong lapu-lapu
- 1 buong carrot (medium size)
- 1 bell pepper
- 1/2 tasang luya
- 1/2 tasang ketchup
- 3 kutsarang suka
- 1 1/2 kutsarang toyo
- 4 kutsarang asukal
- 1 kutsarang cassava flour
- Tubig
- Mantika
- 1 buong lapu-lapu
- 1 buong carrot (medium size)
- 1 bell pepper
- 1/2 tasang luya
- 1/2 tasang ketchup
- 3 kutsarang suka
- 1 1/2 kutsarang toyo
- 4 kutsarang asukal
- 1 kutsarang cassava flour
- Tubig
- Mantika
Paraan ng pagluluto
Linising mabuti ang isda at timplahan ng asin bago iprito nang buo. Isantabi.
Linising mabuti ang isda at timplahan ng asin bago iprito nang buo. Isantabi.
Para sa escabeche sauce:
Sa isang kawali, igisa ang luya, bell pepper, at carrot bago lagyan ng tubig at hayaang kumulo.
Para sa escabeche sauce:
Sa isang kawali, igisa ang luya, bell pepper, at carrot bago lagyan ng tubig at hayaang kumulo.
ADVERTISEMENT
Pagkulo, sunod na ilagay ang ½ baso ng ketchup at 3 kutsara ng suka.
Pagkulo, sunod na ilagay ang ½ baso ng ketchup at 3 kutsara ng suka.
Timplahan ng 1 ½ kutsara ng toyo at 4 na kutsara ng asukal.
Timplahan ng 1 ½ kutsara ng toyo at 4 na kutsara ng asukal.
Lagyan ng 1 kutsara ng cassava flour para lumapot ang sarsa.
Lagyan ng 1 kutsara ng cassava flour para lumapot ang sarsa.
Maaari nang ihain ang fish escabeche.
Maaari nang ihain ang fish escabeche.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
Chinese New Year Recipes
recipe
affordable meals
meals
escabeche
healthy meals
fish dishes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT