RECIPE: Batchoy Tagalog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Batchoy Tagalog
RECIPE: Batchoy Tagalog
ABS-CBN News
Published Jan 24, 2018 12:24 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2018 06:52 PM PHT

Mainit at malinamnam ang batchoy na ito na may Tagalog twist.

Ito ang hinanda ni Sofia Chua, chef ng Japanese restaurant na Soru Izakaya sa may Maginhawa, Quezon City.

Kaiba sa pangkaraniwang batchoy, may dagdag na gulay, partikular ay sayote at spinach, si Chua sa kaniyang potahe.

Aniya, natutunan niya ito sa kaniyang amang mahilig din magluto.

ADVERTISEMENT
"Mahilig po kasi ako sa noodles tapos 'yong daddy ko ... nakita ko lang na niluluto niya po 'yon, dinagdag ko na lang," kuwento ni Chua sa programang "Umagang Kay Ganda."

Narito ang mga sangkap na inilatag ni Chua:

• 1 pirasong puting sibuyas
• 3 butil na bawang
• 10 gramo luya
• 10 gramo dahon ng sibuyas
• 100 gramo atay ng baboy
• 100 gramo pigue ng baboy
• 500 milliliter ng pinakuluang sabaw ng manok
• 1 pirasong sayote
• Asin
• Paminta
• Pritong bawang
• Spinach
• Mantika
• Miswa
• Dahon ng sili

Unahin munang igisa ang bawang, sibuyas, at luya bago ihalo ang baboy.

Kasunod nito ay isama ang atay ng baboy. Hintaying maluto, bahagyang patuyuin, at pansamantalang itabi.

Sa isang kaserola, ilagay ang pinakuluang sabaw ng manok at isama ang ginisang karne at atay. Pakuluin ito hanggang sa maluto.

Ilagay ang sayote at spinach bago timplahan ng asin at paminta.

Ihalo ang miswa at dahon ng sili.
Ihalo ang miswa at dahon ng sili.
Maiging ihain ang batchoy habang mainit pa, at lagyan ng pritong bawang at dahon ng sibuyas bilang garnish o dagdag pampalasa.