Migratory birds mula New Zealand, Australia, dinarayo sa Ifugao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Migratory birds mula New Zealand, Australia, dinarayo sa Ifugao

ABS-CBN News
Published Jan 23, 2018 01:40 PM PHT
|
Updated Jan 23, 2018 01:54 PM PHT

Sa isang bahagi ng Alfonso Lista sa probinsya ng Ifugao, nagkumpulan ang daan-daang migtatory birds mula China, Australia, at New Zealand.

Ayon sa mga eksperto, tinatakasan ng mga ito ang "extreme weather" o sobrang malamig na panahon kaya minabuting dito muna sa Pilipinas pansamantalang manirahan.

Pakiusap ng mga awtoridad, huwag silang hulihin o gambalain.

Isa sa mga species na makikita sa lugar ang egret o tinatawag na kanaway.
Isa sa mga species na makikita sa lugar ang egret o tinatawag na kanaway.
ADVERTISEMENT
Sa dami, kinailangan silang isailalim sa Asian Waterbird Census para maitala ang bilang nila sa Wetlands International, isang organisasyon na nangunguna sa conservation at restoration ng mga wetland.

"[We need] to monitor the number of species that come. This way, we know whether they are lessening in number or they are getting endangered, or they are still thriving," ani Linda Claire Pawid, opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kadalasang dumadagsa ang migratory water birds sa bansa mula Setyembre hanggang Pebrero. Galing sila sa East Asian–Australasian Flyway kung saan ay winter ngayon.

Ayon sa DENR, may magandang indikasyon ang pagdagsa ng ganitong species ng ibon.

"These are indicators of the kind of ecosystems that we have, whether these ecosystems are still healthy or not. If the population is lessening, it would mean that our ecosystems are getting polluted or our ecosystems are being destroyed," paliwanag ni Pawid.

Taun-taon nilang isinasagawa ang census, at sa kanilang tala, may bahagyang pagbaba na sa bilang ng mga ito.

"We urge the public not to hunt these migratory birds but we should protect them when they come to our country so that they can go back again. And also their habitat. Kailangan, i-protect din natin so they won't get polluted," pakiusap ng opisyal.

Dahil dito, gustong pangalagaan ng lokal na pamahalaan ang migratory birds, maging ang mga Philippine Wild Duck na naglipana rin sa Magat Dam reservoir.

Naeengganyo raw kasi ang ilang residente na hulihin ang mga ito para ibenta o ulamin.

"We have adopted an ordinance prohibiting 'yung pag-hunt, pag-trap, saka iba't-ibang klase ng pag-hunt ng mga ibon. Including also yung mga wild animals na nandito," ani Alfonso Lista, Ifugao Mayor Glenn Prudenciano.

Pakiusap nila, hayaan lang ang mga ibon na gumala sa kanilang natural habitat.

Huwag din silang lapitan para maiwasan ang anumang sakit na maaaring dala nila.

Malaki rin umano ang naitutulong ng migratory birds sa pagbalanse ng ecosystem dahil kinakain nito ang mga insektong sumisira sa mga pananim.

Bukod dito, malaking bentahe ito sa turismo ng bayan.

Maaaring makita ang paglipad o fly out ng migratory birds bago mag-alas sais ng umaga.

Bumabalik naman sila dito bandang alas-5 ng hapon.

Pinakamainam na panoorin ito mula sa tulay ng Sitio Minanga sa Brgy. Sto. Domingo, Alfonso Lista, Ifugao.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
migratory birds
Egret
Kanaway
China
Australia
New Zealand
Asian Waterbird Census
Wetlands International
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT