ALAMIN: Pag-iingat sa mga alagang hayop kontra sakuna | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Pag-iingat sa mga alagang hayop kontra sakuna

ALAMIN: Pag-iingat sa mga alagang hayop kontra sakuna

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 22, 2020 04:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Maraming alagang hayop ang nasagip at namatay sa kasagsagan ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Sakaling may maulit na sakuna, ibinahagi ng animal rights advocate ang ilang tips kung paano pangangalagaan ang mga alagang hayop sa panahon ng sakuna.

Ayon kay Ana Cabrera, masusing paghandaan nang mabuti ang pagpapalikas.

Dapat may sariling go-bag aniya ang alagang hayop.

ADVERTISEMENT

"May lalagyan, pagkain, tubig, importante lagi may flashlight," ani Cabrera, executive director ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), sa programang "Sakto" ng DZMM.

Dapat may pagkaing maaaring kainin sa loob nang 3-4 araw ang go-bag.

Payo pa ni Cabrera, dapat may carrier o aparato na maaaring maghawak sa aso sakaling kailangan nang lumikas.

"'Yong pets mo dapat may carrier ka kasi hindi naman yan magpapahawak lalo na pusa," paliwanag niya.

Kung maaari, ayon kay Cabrera, isama ang alagang hayop sa evacuation center.

Pero kung hindi kakayanin, ipinayo ni Cabrera na pakawalan na muna ang alagang hayop.

"Para mabigyan ito ng chance to survive," paliwanag niya.

Nanawagan si Cabrera na lagyan ng espasyo ang mga evacuation center kung saan maaaring ilagay ang mga alagang hayop.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.