Payo ng DOH: 'Tamang etiquette' para hindi makahawa ng trangkaso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Payo ng DOH: 'Tamang etiquette' para hindi makahawa ng trangkaso

ABS-CBN News
Published Jan 22, 2019 10:28 PM PHT

MAYNILA - Nagbahagi ng ilang mga payo ang Department of Health (DOH) para maiwasan ang pagkalat ng virus na nagiging sanhi ng trangkaso.

Sa panayam sa DZMM Teleradyo, ibinahagi ni Dir. Ferchito Avelino ang mga dapat gawin sakaling mayroong trangkaso.

Mayroong tinatawag na "flu etiquette," o ang tamang asal kapag may trangkaso.

Ayon kay Avelino, mas mainam na huwag nang pumasok sa paaralan o sa trabaho kapag mayroong trangkaso.
Ayon kay Avelino, mas mainam na huwag nang pumasok sa paaralan o sa trabaho kapag mayroong trangkaso.
ADVERTISEMENT
"Kapag may flu ka na, ikaw na 'yung mismong umiwas na maka-infect ng ibang tao," aniya.

Iwasan rin umano ang paggamit ng kamay o panyo sa pagtakip sa bibig at ilong kapag umuubo. Mas mainam umanong gamitin ang manggas o kuwelyo ng damit.

"Since you are coughing or sneezing, dapat hindi kino-cover 'yung kamay, ginagamit 'yung kamay o handkerchief for covering you mouth. You use the sleeve of your arm, or 'yung collar... I-raise mo 'yung collar mo at umubo ka sa loob ng damit mo," ani Avelino.

Dagdag pa ni Avelino, iwasan ang pag-inom ng antibiotics kapag may trangkaso.

"Wag ka agad mag-antibiotics, kasi ang cause ng iyong sakit ay viral," aniya.
"Wag ka agad mag-antibiotics, kasi ang cause ng iyong sakit ay viral," aniya.
ADVERTISEMENT
Kapag virus ang sanhi ng isang sakit, kusa itong mawawala at gagaling matapos ang ilang araw o linggo.

Ang trangkaso ay kusang gagaling sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Ayon kay Avelino, may tatlong strain ng influenza virus na umiikot ngayon sa bansa. Ito ang Influenza A(H3N2), Influenza B at Influenza A(H1N1).

Ang Influenza A at Influenza B ang madalas nagiging sanhi ng "seasonal flu," at ito ay madalas na nagdudulot ng mga malubhang sintomas.

"Mayroon kasi tayong sinasabi na ano, ay parang may flu ako pero nakakapasok ka pa, nakakapagtrabaho ka pa. Itong flu na associated with Influenza A and B, hindi ka na makakapasok," ani Avelino.

Nilinaw rin niya na hindi nakamamatay ang trangkaso, ngunit pinababagsak nito ang resistensiya ng isang tao. Dahil dito, maaring makapasok ang mga ibang mas malalang sakit tulad pulmonya.

"Ang nakakamatay po ay yung kumplikasyon ng flu," ani Avelino.

Matatandaan na noong 2009, kinatakutan ang A(H1N1) virus dahil bago ito at hindi pa nakakagawa ng bakuna laban dito.

Inaasahang sa kalagitnaan ng 2019 ay darating na ang mga bagong flu vaccine para sa flu season sa susunod na taon.

Payo ni Avelino, mainam na magpabakuna na pagsapit pa lang ng Hulyo.
Payo ni Avelino, mainam na magpabakuna na pagsapit pa lang ng Hulyo.
ADVERTISEMENT
Makabubuti rin ang pagsusuot ng face mask para makaiwas sa virus.

- may ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT