ALAMIN: Home remedies sa sakit ng ulo at katawan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Home remedies sa sakit ng ulo at katawan

ALAMIN: Home remedies sa sakit ng ulo at katawan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 17, 2019 04:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakakaramdam ka ba ng lagnat, sakit sa ulo at katawan, ubo o kaya sipon sa mga nakalipas na araw?

Dumalaw sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes si Abraham Abdullah, isang manggagamot, upang ibahagi kung paano mapapagaan ang karamdaman tuwing nakararanas ng ganitong mga sakit.

Narito ang ilang home remedies para mapagaan ang iyong karamdaman:

LUYA AT LUYANG DILAW

  • Dikdikin at balatan ang luya
  • Ilagay sa mainit na tubig at inumin.

Ani Abdullah, dapat itong inumin bago matulog sa gabi o bago mag-almusal sa umaga bilang pampagaan sa nararamdamang sipon.

ADVERTISEMENT

BUKO

  • Pakuluan ang sabaw ng buko
  • Inumin sa umaga

Ayon kay Abdullah, tama ito para sa mga may urinary tract infection at sa mga taong madaling nilalamig gaya nang nararanasan tuwing nilalagnat.

DAHON NG GUYABANO

  • Kunin ang talbos ng dahon (8 piraso sa babae; 7 sa lalaki)
  • Ilagay ang katas nito sa kaunting tubig
  • Ilagay sa ulo o sa masakit na parte ng katawan.

Ayon kay Abdullah, hinihila ng dahon ang mainit na parte ng katawan na nagdudulot ng sakit.

DAHON NG TUBA

  • Itapat ang dahon sa kandila
  • Pag nalanta na, ilagay ito sa masakit na parte ng katawan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.