Lola nagtahi ng mga damit, kumot para sa Taal evacuees | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lola nagtahi ng mga damit, kumot para sa Taal evacuees

ABS-CBN News
Published Jan 16, 2020 01:38 PM PHT

Halos katatapos lang ng ika-77 kaarawan ni Rosalinda dela Cruz nang mabalitaan niya ang pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.

Pero sa halip na siya ang bigyan ng regalo sa kaniyang kaarawan, pinili niyang siya ang maghandog ng munting tulong sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng bulkan.

Gamit ang iba't ibang klase ng mga retaso, mano-manong nanahi ng mga damit at kumot si Dela Cruz, na residente ng Tondo, Maynila.

"Trese pa lang ako naggagantsilyo na ako, bata pa lang ako... naka-5 na akong anak, iyan pa rin hanapbuhay ko," ani Dela Cruz sa panayam ng ABS-CBN News.

"Ang dami-dami kong mga retaso, kaysa naman itapon," aniya.

Nasa halos 40 kumot, 10 daster, at mga plastik na may mga lumang damit ang alay na tulong ni Dela Cruz, na kaniyang ipinadaan sa isang programa sa radyo DZMM.

Ayon sa kaniya, karaniwan rin siyang namimigay ng libreng mga kumot at damit sa mga nabiktima ng sunog o kaya'y mga street-dweller sa kanilang lugar.

Mensahe ni Dela Cruz sa libo-libong pamilya sa evacuation sites: "Pinagdadasal po namin na makaraos tayo pare-pareho at matapos na 'yang gulo na 'yan."

"Mag-normal ang buhay nating mga Pilipino pero kasama sa buhay 'yan, kailangan madaanan natin 'yon para maging kumpleto tayong tao," aniya.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT