ALAMIN: Sintomas ng sakit sa puso sa mga babae | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

ALAMIN: Sintomas ng sakit sa puso sa mga babae

ALAMIN: Sintomas ng sakit sa puso sa mga babae

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 14, 2019 04:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang mga mistulang simpleng karamdaman lang ay posibleng pahiwatig na mayroon nang sakit sa puso ang isang babae, ayon sa isang doktora.

Ayon sa cardiologist na si Dr. Joanna Teresa Manalo, karaniwang sintomas ng sakit sa puso sa parehong babae at lalaki ang pananakit ng dibdib pero para sa mga babae, ang ilang inaakalang simpleng karamdaman ay puwedeng sintomas na rin.

“Sa babae, even simple things can mean a heart attack already,” sabi ni Manalo sa programang “Good Vibes” ng DZMM.

Ilan daw sa mga posibleng sintomas ng sakit sa puso sa mga kababaihan ay ang mabilis na pagkaramdam ng pagod, kahirapan sa paghinga, at pananakit ng mga bahagi ng katawan tulad ng tiyan at mga balikat.

ADVERTISEMENT

“Minsan ang nararamdaman mo lang, mas madali ka lang mapagod, minsan shoulder pain, minsan shortness of breath,” sabi ni Manalo.

“'Pag naglalakad lang, hingal na hingal na, even sometimes abdominal pain, back pain even just muscle pain,” dagdag niya.

Bunsod nito, idiniin ni Manalo ang kahalagahan ng regular na pagpapa-check up sa doktor para matiyak ang lagay ng puso.

“'Yong mga sintomas nito na parang simple lang ay already pointing to heart disease so dapat magpa-check up muna,” aniya.

Mas lalo raw dapat magpa-check up iyong mga babaeng may “risk factor” gaya ng mga may hypertension, diyabetes, o mataas ang kolesterol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.