MULTIMEDIA

Mga Salita ng Taon

By the ABS-CBN Investigative and Research Group, graphics by Angela Salano, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 05:22 PM | Updated as of Nov 17 2020 12:07 PM

Natatandaan mo pa ba kung kailan ka unang tumawag ng isang ‘Jejemon’? Kailan ka unang nag-‘selfie’? At unang nainis sa ‘wangwang’?

Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa mga nag-trending noong nakalipas na mga taon at napili bilang ‘Salita ng Taon.’ 

Ang pinakahuli sa mga ito ay ang salitang 'tokhang,' napili noong 2017, at kombinasyon ng dalawang salitang Binisaya.

Ayon sa Filipinas Institute of Translation (FIT), ang NGO na nangunguna sa pagpili nito, ang Salita ng Taon ay maaring “bagong imbentong salita,” “bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika,” “lumang salita na may bagong kahulugan,” at “patay na salitang muling binuhay.”

“Nadadagdagan ang mga salita dulot ng maraming elemento ng lipunan. Pinatutunayan nito na buhay ang wikang Filipino,” ayon kay Prof. Michael Coroza, isa sa mga opisyal ng FIT. 

Sinasalamin ng mga napiling Salita ng Taon ang mga kontrobersiya at iskandalo sa pulitika, mga bagong usong dala ng teknolohiya, pop culture, at mga usaping naging tatak ng nagdaang taon.

Ngayong Buwan ng Wika, balikan natin ang mga Salita ng Taon at baybayin ang kasaysayan ng bansa.

Mga Salita ng Taon 1
Mga Salita ng Taon 2
Mga Salita ng Taon 3
Mga Salita ng Taon 4
Mga Salita ng Taon 5
Mga Salita ng Taon 6
Mga Salita ng Taon 7
Mga Salita ng Taon 8
Mga Salita ng Taon 9

Sources: Komisyon sa Wikang Filipino; Filipinas Institute of Translation; “Sawikaan: Mga Salita ng Taon,” presentation by Eilene Antoinette G. Narvaez for her thesis in MA Filipino