Titulo ng lupa, maaari nang suriin sa kahit saang sangay ng Registry of Deeds | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Titulo ng lupa, maaari nang suriin sa kahit saang sangay ng Registry of Deeds

Titulo ng lupa, maaari nang suriin sa kahit saang sangay ng Registry of Deeds

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinahagi ng isang kinatawan mula sa Land Registration Authority (LRA) na maari nang suriin at iparehistro ang mga lupang nasa malalayong lugar sa kahit saang sangay ng Registry of Deeds.

"Dahil nag-computerization na tayo, ang mga titulo, puwede niyong i-certify kung saan may malapit na Registry of Deeds sa inyong lugar," ani Atty. Sedfrey Garcia sa programang "Usapang De Campanilla" ng DZMM.

Dati, kinakailangan pang idulong ang proseso sa sangay ng Registry of Deeds na pinakamalapit sa lupa.

Kaya kung binebentahan ang isang indibiduwal na tiga-Rizal ng lupa sa Mindanao, maaari nang idaan ang proseso sa pinakamalapit na Registry of Deeds.

ADVERTISEMENT

Iginiit pa ni Garcia na mabilis lamang ang pagproseso dahil binibigyang prayoridad ng mga registry ang mga request mula sa ibang lugar.

"Ni-request ko, nasa iba akong lugar. ‘Yong registry na pinag-request ko, dapat i-prioritize ko," paliwanag ni Garcia.

Paraan din umano ito upang makatipid sa pamasahe at oras.

Ipinaliwanag din ni Garcia ang gampanin ng ahensiyang LRA.

"Ito ang ahensiya na kumakatawan sa pagpaparehistro ng lupa at mga personal properties," ani Garcia.

Bukod umano sa mga lupa at bahay, maaari ring ipa-rehistro sa LRA ang mga personal na ari-arian. Ilan sa mga nabanggit ang sasakyan, motorsiklo at mga alahas.

"Pinu-publish natin para alam ng tao na ... ito ay may sangla o may liablities na kailangang i-respeto," ani Garcia.

Inirerehistro rin sa LRA ang mga transaksiyon ng sanglaan. Subalit ang mga partido sa sanglaan ang dapat maglapit nito sa ahensiya.

"Proteksyon din ng pinagsanglaan," ani Garcia.

Bahagi ang panayam kay Garcia sa serye ng Usapang De Campanilla na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa mga mandato ng ilang ahensiya ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.