ALAMIN: Ahensiyang nagbibigay tulong sa mga OFW | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ahensiyang nagbibigay tulong sa mga OFW

ALAMIN: Ahensiyang nagbibigay tulong sa mga OFW

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi maikakaila na malaki ang halaga ng mga remittances o perang ipinapasok ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ating bansa.

Ngunit kaakibat ng pagkakaroon ng trabaho sa ibang bansa ang mga pagkakataong maaaring abusuhin o madisgrasya ang mga Pilipino.

Sa mga ganitong situwasyon, maaaring lumapit ang mga OFW sa Overseas Welfare Workers Administration (OWWA).

Ibinahagi ni Hans Leo Cacdac, pinuno ng OWWA, ang tungkulin at ilang programa ng kanilang ahensiya sa programang Usapang De Campanilla noong Miyerkoles, Setyembre 27.

ADVERTISEMENT

"Kami ‘yung mga nag-aaruga, nagmamalasakit sa mga OFWs ‘pag sila’y nasa abroad," ani Cacdac.

Ayon kay Cacdac, kinakailangang magbayad ng US$25 o aabot sa P1,300 upang maging miyembro ng OWWA.

Dalawang taon bago mag-expire ang membership at muling pagbayarin ang OFW.

Hindi umano hadlang ang pagkakadestino sa ibang bansa dahil maaaring magbayad ng membership o renewal ang isang OFW sa pamamagitan ng electronic payment.

Mga benepisyo, programa

Isa sa mga pangunahing proyekto ng ahensiya ang "Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay."

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng OWWA ng P20,000 ang mga "returning distressed workers" upang makapagsimula ng sariling negosyo dito.

Kabilang sa "returning distressed workers" ang mga OFW na nagkaroon ng problema o hindi nakatapos ng kontrata kaya pinabalik sa bansa.

Mayroon ding iba't ibang scholarship programs ang ahensiya para sa mga nagnanais magsanay at maging OFW o para sa mga sustentado ng kanilang miyembro.

Natatangi rito ang OFW Dependent Scholarship Program para sa mga "low-income" na OFW o iyong mga kumikita ng mas mababa sa US$600 o P30,000.

"One dependent of the OFW is entitled to a scholarship, college scholarship. P20,000 ang bibigay sa kaniya for a year," paliwanag ni Cacdac.

"It takes away the worry, ‘yung habang naninilbihan silang kasambahay sa ibang bansa, alam nilang sagot ng OWWA ‘yung anak nila," ani Cacdac.

Katuwang ng OWWA sa kanilang mga scholarship program ang iba pang ahensiya gaya ng Department of Science and Technology (DOST) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Bahagi ang panayam kay Cacdac sa serye ng Usapang De Campanilla na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa mga mandato ng ilang ahensiya ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.