ALAMIN: Ano ang restrictive custody? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang restrictive custody?

ALAMIN: Ano ang restrictive custody?

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa ilalim na ng restrictive custody ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Kian Delos Santos--isa umanong "disciplinary measure" habang iniimbestigahan ang mga ito.

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng restrictive custody para sa kapulisan?

Ayon kay Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan) Party-list Rep. Harry Roque, ang pagsailalim sa restrictive custody ng mga pulis na iniimbestigahan ay nakapaloob sa Republic Act (RA) 8551 o "Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998."

"Ang ibig sabihin ‘non (restrictive custody), hindi ka makakalabas ng kampo (Camp Crame)," ani Roque sa isang panayam sa DZMM.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng restrictive custody, hindi ikinukulong sa selda ang isang pulis, subalit hindi rin siya makalalabas ng Kampo Crame, ang punong-tanggapan ng Philippine National Police (PNP).

Inihalintulad ito ni Roque sa "house arrest."

"I suppose sa loob ng kampo puwede naman siya gumala-gala dahil hindi naman siya nakalagay sa preso," ani Roque.

Wala aniyang posisyon o trabahong hahawakan ang isang pulis sa ilalim ng restrictive custody.

Matatandaang naging isyu ang balita na tinanggal umano sa restrictive custody ang mga pulis na dawit sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. noong Disyembre.

ADVERTISEMENT

Nilinaw ng PNP na pinauwi lamang ng Leyte ang mga pulis upang kumuha ng mga dokumento para sa kanilang counter-affidavits, kasama aniya ang iba pang mga tauhan ng PNP.

Paliwanag ni Roque, sa pagkakataong lalabas ang mga pulis sa kampo, kinakailangan samahan sila ng mga bantay.

Kabilang ang mga pulis na may kinalaman umano sa ilegal na bentahan ng droga sa mga pinatawan ng police custody noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.