Mailap na hustisya para sa pamilya ni Galman, ang kasamang namatay ni Ninoy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mailap na hustisya para sa pamilya ni Galman, ang kasamang namatay ni Ninoy

Patrick Quintos,
ABS-CBN News
Published Aug 21, 2017 03:39 PM PHT
|
Updated Aug 21, 2017 04:35 PM PHT

Mga naabóng alaala
ALIAGA, Nueva Ecija - Sinilaban na ni Saturnina Galman, 89, ang hawak niyang kopya ng diyaryong naglalaman ng mga balita ukol sa pagpatay kay Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. noong 1983.

Sa naabó nang peryodikong iyon nakaimprenta ang retrato ni Ninoy kasama ng anak ni Saturnina na si Rolando Galman, parehong wala nang buhay, may tama ng bala, lumagapak sa tarmac ng paliparan ng Maynila.

Kuwento ni Aling Saturnina, matagal niyang hindi nakausap si Lando, na umalis sa maliit na bayang ito para magsaka sa Bulacan nang ito ay mag-asawa.

Bihira silang magkita, at kung magkita man ay nagkumumustahan lang kung sila ba ay nakakakain pa nang maayos—normal na usapang mag-ina, aniya.

"Noong madiyaryo 'yan e parang August 21... Nawala na kasi 'yung diyaryo ko, sinindihan ko na. Ayaw ko nang makita. Ayaw ko nang nakikita 'yang mga bagay na 'yan," mariing sinabi ng 89-anyos.

Ipinagluksa at itinuring na bayani si Ninoy—inspirasyon sa EDSA People Power na nagpabagsak sa diktadurang Marcos—habang sinalo naman ni Lando ang bintang ng pagpatay sa senador.

Komunista, hitman—ilan lamang ito sa mga bintang kay Lando na pinatay ng mga taong nakatoka sa seguridad ni Ninoy sa Manila International Airport.

"Mabait na bata 'yan. Mangingisda, makikigaspas, mamumulot 'yan ng palay. Matiyaga sa hirap. Pag-uwi may pasang buslo, may uwing kahit na suso, palaka, kahit anong makitang maiuulam," ganito naman inilarawan ni Saturnina ang anak.

Lupit ng Batas Militar
Ni hindi nakasugod nang kusa ang pamilya Galman sa Maynila para sadyain ang bangkay ni Rolando, dahil dinukot na sila ng militar kinabukasan nang mabalitaan nila ang insidente.

"Nung kinuha 'yung nanay ko, nandito ako [sa bahay]. Sila, nasa bukid ng kapatid ko. Nung dinukot sila, ako ang naiwang mag-isa," ani Normita Galman-Capanas, pangalawa sa bunso ni Saturnina.

Sa takot na baka siya ay dukutin din, nagmadaling umalis sa Aliaga si Normita, Grade 6 pa lang noon, at tumungo sa kapatid sa Bulacan.

May dalawang buwan bago niya uli nakita ang ina, na akala niya'y pinatay na, lalo't pinatay rin ang kanilang ama bago kay Lando noon ding parehong taon.

Kuwento ni Saturnina, inalok siya ng P5 milyon ng dumukot sa kanya para umano umamin siyang anak niya ang pumatay kay Ninoy, pero siya ay tumanggi.

"Aba aanhin ko ang pera di ko naman nakita. Aba e di ko naman nakita kung sino ang pumatay sa anak ko at kay Ninoy a. Wala akong dapat aminin, di ba?" ani Saturnina.

Milyonarya na sana si Saturnina kung tinanggap niya ang pera. Pero mas gugustuhin umano niyang maging maghirap kesa dumihan ang ngalan ng yumaong anak.

Ang Pamilya Galman ngayon
Bumilang ng taon bago napatunayang inosente si Lando. Mayroon 16 na sundalong nakulong kaugnay sa pagpatay kay Ninoy, karamihan ngayon ay patay na rin.

Sa kabila nito, nananatiling misteryo at laman ng "conspiracy theories" kung sino ang tunay na pumatay kay sa senador na kilalang kritiko ng rehimeng Marcos.

Sa ngayon, narito pa rin sa parehong bayan si Saturnina, nagtitiyaga sa bahay na ang bubong ay bukod sa pinagsama lang na yero at trapal, ay butas-butas pa.

Kasama ni Saturnina sa bahay si Normita at ang mga anak nito. Sa loob ng mahabang panahon, umasa ang pamilya Galman sa pakikigapas, pakikitanim, at minsan ay pamumulot ng palay.

Ganito rin ang sinapit ng mga kapatid nina ni Lando, na may kanya-kanya na ring binubuhay na pamilya sa ibang bayan sa Nueva Ecija at Bulacan.

Ang naging asawa noon ni Lando, umalis matapos ang sinapit ng mister sa tarmac, ayon kay Saturnina, marahil ay natakot na rin. Naiwan sa kina Saturnina ang anak.

Ayon kay Normita, naging iskolar ang anak ni Lando at sa pagtutulong-tulong nila ay nakatapos at nakapagnars sa ibang bansa. Pero matagal na mula nang huli itong makauwi sa Pilipinas.

Bagama't parehong bumagsak sa tarmac noong Agosto 21, 1983 si Ninoy at Lando, ibang-iba ang kinahinatnan ng mga naulila nilang pamilya.

Kung umusbong ang buhay para sa mga Aquino, lalo't naging presidente pareho si Cory at Benigno "Noynoy" III, hindi na nakaalpas sa hirap ang pamilya Galman.

'Sarado na ang libro'
Batay sa mga ulat noon, may matatanggap dapat na P580,000 na bayad-pinsala ang pamilya Galman. Pero ni isang kusing, wala silang nakuha.

Ayon kay Aling Saturnina, hindi na rin nila pinilit pang humingi ng kabayaran sa sinapit ni Lando, o kahit tulong mula sa mga politiko, dahil takot siyang mabansagan silang "namemera lang."

"Nakikipagtanim kami. Nakikigapas 'yung mga anak ko, lalabas ng bukid, makakita ng konting palay, ibibilad, ipapakiskis nagtulong-tulong kami sa hirap ng buhay," aniya.

"Hindi 'yung sasabihin, 'E kaya bumuti ang buhay niyan e doon sa pagkamatay ng anak e. Aba'y papasanin ko 'yun hanggang kamatayan, 'yung tumanggap ka sa hindi katas ng pawis mo," dagdag pa niya.

Gusto rin sana minsan niyang manawagan ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, pero aniya ay nahihiya rin siya dahil hindi naman siya nito kilala at mahirap lamang siya.

"Tumatawag na lang ako sa Panginoong Diyos na bigyan ako ng mahabang buhay. Inuuna ko ang pakikisama sa kapwa, hindi ang pera," aniya.

Para sa 89 anyos na ginang, saradong libro na ang nangyari 34 na taon na ang nakalilipas. Pero aminado si Saturnina na hindi rin niya mapigilang maluha kapag naaalala ang pinatay na anak.