War on drugs, tatalakayin sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
War on drugs, tatalakayin sa 'Ang Probinsyano'

Rhys Buccat,
ABS-CBN News
Published Aug 13, 2016 02:01 AM PHT

MANILA -- Kasabay ng kaliwa't kanang patayan, tatalakayin ng seryeng "Ang Probinsyano" ang madugong digmaan ng pamahalaan kontra droga.

Ito ay kasama sa adhikaing maging socially relevant ang teleserye.

Naging tema rin ng mga nakalipas na episode ang animal cruelty, cyber crime, prostitution, child abuse, at iba pang napapanahong isyu.

ADVERTISEMENT
Bagama't may mga nasawing karakter, naging matagumpay naman ang pagsugpo sa mga kalaban ng lipunan. Ang pinakahuling nahuli ni Cardo (Coco Martin) ay ang "sextortionist" na si Ella (Vice Ganda).

Sa kanilang episode nitong Biyernes, pinangunahan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagpaplano kung paano matitigil ang sindikatong nasa likod ng drug distribution sa bansa.

Sa kanilang miting, pinaliwanag ni Gen. Delfin Borja (Jaime Fabregas) na hindi sang-ayon ang PNP sa extrajudicial killing. Ayon sa kanya, namamatay lamang ang ibang niri-raid dahil sila ay nanlalaban o nagtatangkang tumakas.

"Walang basbas ng PNP iyang mga ganyang patayan. Minsan kapag mayroon kaming niri-raid at lumalaban 'yong mga kriminal, may namamatay sa kanila. Pero mayroon ring pulis na namamatay sa mga pagkakataong 'yan," ani Delfin.

Dagdag pa niya, mayroong prosesong sinusunod ang batas. At hindi dapat ito ipagwalang-bahala kahit pa sa laban kontra droga.

"Hindi tayo basta-bastang papatay ng mga kriminal o ng mga pusher hangga't hindi sila nanlaban o kung nailagay sa peligro ang inyong mga buhay. Naiintindihan niyo ba iyan?" dagdag ni Delfin.

Ang hindi nila alam, kaanib ng sindikato ang ilang mayor at congressman. At isa-isa nilang tinutumba ang mga maaaring magtaksil laban sa kanila.

Mayroon din silang mga iba't ibang gimik at pasabog upang ilihis ang atensiyon ng kapulisan, gobiyerno, at ng media.

Sa mga susunod nan episode ng teleserye, susubukang sugpuin ni Cardo at ng kapulisan ang mga tao sa likod ng malawakang distribusyon ng droga sa isang lalawigan.

Dito ipapakita kung ano nga ba ang kahalagahan ng due process sa tinaguriang "war on drugs."