Alamin: Mga magbabago sa jeep kapag na-'modernize' ito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Focus

Alamin: Mga magbabago sa jeep kapag na-'modernize' ito

Alamin: Mga magbabago sa jeep kapag na-'modernize' ito

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2017 12:25 AM PHT

Clipboard

Sa harap ng itinutulak na jeepney modernization program ng gobyerno, handa na ba ang Pilipinas na palitan ang nakagisnang 'Hari ng Kalsada'?

Sa ilalim ng programa, mag-iiba na ang itsura ng jeepney: sa gilid na ang pasukan imbes na sa likod, may hand brake na, power steering na ang gamit, at mas mahaba kaya mas maraming maisasakay.

Nagkakahalaga ang bawat jeep ng P1.2 milyon hanggang P1.6 milyon.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may nakalaan namang P80,000 subsidy para sa 250 units para makagaan sa gastusin.

ADVERTISEMENT

Pero sagot ni George San Mateo ng grupong Piston, ipapasa rin sa operators ang bayad sa P80,000 subsidy, o di kaya ay kokolektahin sa kikitain ng drivers.

Kailangan ding bumuo ng kooperatiba o samahan ang mga driver para makapasok sa bagong palakad.

“They have to go together either a coop, association, corporation and within that coop, the coop will now own the franchise. Sa loob they will professionalize dispatching of the units… And then you have a safety officer,” ani Lizada.

Balak na rin gawing standardized ang pasuweldo ng mga tsuper upang maiwasan na ang agawan sa pagkuha ng pasahero na maaaring pagmulan ng mga aksidente.

Pero inaalala ng Piston kung matibay ba ang mga ipapalit na bagong jeepney.

“Mga lemon vehicle naman. ‘Pag sinabi nating lemon vehicle, hindi matibay,” ani San Mateo.

“Who says ano matibay? Kayo nagsasabing matibay? Kami’ng nagsasabing matibay? Then come up with a national standard para doon tayo compliant,” depensa naman ni Lizada.

Isang kompanya naman ng solar-electric jeep ang handang mamigay ng mga libreng sasakyan para makasuporta sa jeepney modernization.

Paliwanag ni Bong Laurel ng Star 8, tulong na nila sa gobyerno ang kanilang programa at kikita lamang sila sa advertising sa mga jeepney.

‘Yung programa namin na nilo-launch, tulong namin sa gobyerno at no cost to the government is ibigay ‘yung sasakyan nang libre sa mga existing transport operators. Kami kikita lang kami sa advertising. Body wrap. May TV kami sa loob. So may mga inside advertising kami. Doon lang kami kikita. Hindi kami sasali doon sa kita ng fleet,” ani Laurel.

Dagdag pa ni Laurel, kailangan lamang bumuo ng mga tsuper sa iisang ruta ng fleet management o cooperative. Ipapakita lang sa kompanya ang ruta at kapag ayos ito, maaari nang ibigay sa fleet ang sasakyan ngunit sila na rin ang mangangalaga sa mga ito.

Ang mga jeepney na balak ipamahagi ng grupo ay may solar panel at may battery din. Moderno na rin ang disenyo nito: may electric fan at USB port ang mga pasahero. Balak din nilang maglagay ng marshals para tumulong sa mga pasahero at bantayan ang tsuper.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad