Kaligtasan, kalusugan sa lugar trabahuhan, paano masisiguro? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaligtasan, kalusugan sa lugar trabahuhan, paano masisiguro?

Kaligtasan, kalusugan sa lugar trabahuhan, paano masisiguro?

ABS-CBN News

Clipboard

Ang mga manggagawa ay kinakailangan sa pag-unlad ng isang bansa. Kaya naman, mayroong batas na nagsisiguro sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Ayon kay Atty. Noel del Prado sa programang 'Usapang de Campanilla' ng DZMM, isa sa mga nakasaad sa batas na karapatan ng manggagawa ay ang pagkakaroon ng makataong kondisyon o 'humane condition' sa kanilang pinagtatrabahuhan.

“Nakapaloob na dito 'yung tungkulin at 'yung kapangyarihan ng ating Secretary of Labor and Employment na tiyakin sa pamamagitan ng mga kautusan na iyong mga pagawaan, 'yung mga lugar kung saan nagtatrabaho ang mga manggagawa ay laging ligtas at laging malayo sila sa sakit,” ani Del Prado.

Ngunit paano nga ba nasisiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan?

ADVERTISEMENT

Halimbawa na lamang ang mga nagkukulot sa mga parlor o salon, dahil exposed sila sa mga kemikal, tungkulin ng employer na bigyan sila ng mga kagamitan na magpoprotekta sa kanila mula sa mga ito.

Ibinigay ding halimbawa ni Del Prado ang mga welder. Aniya, kailangan nila ng mga pantakip sa mata at protective gear. Gayundin ang mga nagtatrabaho sa lubhang malamig o mainit na lugar.

Dagdag pa ni Del Prado, nararamdaman ng mga manggagawa kung mayroong bagay na hindi angkop sa kanilang opisina gaya ng mabahong amoy, kakulangan ng ilaw na nagdudulot ng sakit sa mata, kakulangan ng hangin, at iba pa.

Sakaling mapansin ito sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan at hindi naaksiyunan, maaaring lumapit ang mga manggagawa sa Bureau of Working Conditions at ipagbigay-alam ito sa mga labor inspectors o labor law compliance officers.

Mayroon din aniyang kapangyarihan ang kalihim ng Department of Labor and Employment na bumisita sa mga opisina upang tingnan at tiyakin na mayroong sapat na gamit, kaayusan, at iba pa para sa mga manggagawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.