Kwentong tagumpay: Dating janitor, abugado na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kwentong tagumpay: Dating janitor, abugado na

Kwentong tagumpay: Dating janitor, abugado na

Dennis Datu,

DZMM

Clipboard

Isa sa mga pumasa sa bar exam ay isang lalaking apat na taong nagsilbi bilang janitor sa tanggapan ng Commission on Elections.

Tubong Catanduanes, lumuwas ng Maynila si Ramil Comendador para makipagsapalaran sa buhay.

Habang nagtatrabaho na janitor, isinabay nito ang pag-aaral. Hirap man sa buhay, kumuha ito ng abogasya sa Universidad de Manila.

Ayon kay Comendador, sa pagiging janitor niya sa COMELEC naisipan na kailangan matapos na ang cycle ng kahirapan.

ADVERTISEMENT

"Baon-baon mo yung pangarap mo na makaalis na sa kahirapan. Baon-baon mo yun, siyempre. Malaking bahagi nun talaga yung tiwala mo sa Panginoon, at maitatawid mo yung mga pangarap mo," aniya.

May dalawang anak si Comendador, isang 4 na taon at isang 8 taon gulang, kaya hindi biro ang pinagdaanan niya para mairaos ang pag-aaral.

Ngayon ay 35-anyos na si Commendador at sa unang pagkuha ng bar exam ay pumasa na agad siya.

Hindi siya makapaniwala lalo't halos sumuko na siya noong kumuha siya ng exam.

"Yung kamay ko nun, nagshe-shake talaga, as in hindi makapag-sulat. Ang ginawa ko po, after kong magdasal, kinuha ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay ko at pinilit kong idiniin sa papel. Sabi ko, 'Panginoon, pahintulutan mong makapag-sulat ako kasi gustong gusto ko itong maitawid'," aniya.

At ngayon magiging abugado na si Commendador, isa lang ang nais niya: ang makita ang kaniyang ama na nang-iwan sa kanya kahit nasa sinapupunan pa lang ng ina.

Uuwi muna ngayon si Commendador sa Catanduanes para magpahinga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.