ALAMIN: Pagkakaiba ng con-con at con-ass | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Pagkakaiba ng con-con at con-ass

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2018 07:09 PM PHT
|
Updated Jan 20, 2018 01:44 AM PHT

Tuloy ang bangayan ng mga senador at kongresista sa isyu ng charter change (cha-cha) at kung dapat ba talagang baguhin ang kasalukuyang Saligang Batas.

Pero isa pa sa mga umuusbong na isyu ay kung anong paraan ng cha-cha ang dapat gamitin sakaling matuloy ito: constituent assembly (con-ass) o constitutional convention (con-con).

Pagkakaiba
Sa con-ass, mga nakaupong mambabatas ang hihimay at babago sa Konstitusyon, habang sa con-con, tao ang boboto ng mga uupo para aralin at baguhin ang Saligang Batas.
Sabi ni retired Chief Justice Reynato Puno, maiistorbo lang ang takbo ng Kongreso kung ang mga mambabatas pa ang lalahok sa cha-cha sa pamamagitan ng con-ass.

Dagdag pa ni Puno, hindi mga eksperto sa batas ang mga mambabatas.

ADVERTISEMENT
Si UP National College of Public Administration and Governance (NCPAG) dean Maria Fe Villamejor-Mendoza, inilatag naman ang maaaring maging problema ng dalawang paraan ng cha-cha.

"Gaano kalalim ang pagtatanong [sa con-ass]? Is it a matter of formality na gusto mo bang palitan? Ang con-con baka naman ang ano nila, ano ba ang papalitan sa Constitution at kailangan ba? Mas masinsin ang trabaho dun," paliwanag ni Villamejor-Mendoza.

Makatitipid?
Sabi ng ilang kongresista, aabot sa P7 bilyon ang gastos kung idadaan ang cha-cha sa con-con.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, mas gusto niyang magkaroon ng "check and balance" ang pagpapalit ng Konstitusyon, na hindi kayang ibigay ng con-con.

"Wala tayong kontrol kung ano ang pag-uusapan nila sa con-con...Sa amin may check and balance eh," ani Zubiri.

Naghain na si Senador Bam Aquino ng resolusyon para magbuo ng con-con para sa cha-cha, taliwas sa nais ng Kamara na con-ass.

Isinusulong sa Kamara ang cha-cha sa pamamagitan ng con-ass upang magbigay daan sa planong pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay Senador Franklin Drilon, may tagong agenda ang administrasyon sa panukalang ito.

"The Filipino people will see the real plan in federalism: suspend elections, extend the terms of Congress and do away with the check and balance system by abolishing the Senate."

--Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
con-con
con-ass
cha-cha
charter change
constituent assembly
constitutional convention
Saligang Batas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT