'PBB' housemate Kolette, nakilala na ang tunay na ina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB' housemate Kolette, nakilala na ang tunay na ina

'PBB' housemate Kolette, nakilala na ang tunay na ina

ABS-CBN News

Clipboard





MAYNILA -- Natupad ang pangarap ng "PBB Gen11" housemate na si Kolette na makita at makilala ang kanyang tunay na ina, na siyang dahilan kung bakit siya pumasok sa Bahay ni Kuya.

Dahil sa "PBB," nagkaroon ng katuparan ang nais ni Kolette, 20, na makita ang inang ipinaampon siya dahil sa hirap ng buhay.

Kuwento ni Kolette, bata pa siya nang iwan ng kanyang totoong ina sa kamag-anakan nito na siyang naging adoptive parents niya.

Dagdag na kuwento ni Kolette, edad 17 siya nang nagparamdam sa kanya ang totoong ina na hindi niya noon pinapansin dahil sa hindi pa siya handa.

ADVERTISEMENT

At ngayong malaki na siya, nais ni Kolette na malaman ang dahilan bakit siya ipinamigay ng ina.



"Sa PBB," nagtungo si Joy, ang ina ni Kolette. Kuwento ni Joy, apat na buwan nang ipinaampon niya si Kolette at  dinala patungong General Santos City. 

Mabigat man sa loob, ibinigay niya ang kanyang anak para masiguro ang magandang kinabukasan nito.  

"Mabigat kasi anak ko 'yon. Ayaw ko talaga siyang ibigay pero naisip ko may kinabukasan siya roon, hindi kagaya sa akin," ani Joy.

Mapapanood ang "Pinoy Big Brother Gen11" mula Lunes hanggang Biyernes, 10:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Tuwing Sabado at Linggo ay mapapanood din ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TV5.

Mga kaugnay na video:








ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.