'Sa korte na lang:' Sagot ni Sandro Muhlach sa naging pahayag ng mga inirereklamo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Sa korte na lang:' Sagot ni Sandro Muhlach sa naging pahayag ng mga inirereklamo

'Sa korte na lang:' Sagot ni Sandro Muhlach sa naging pahayag ng mga inirereklamo

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 14, 2024 09:20 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

(UPDATED) Matapos magpakita sa Senado ang dalawang inirereklamo ni Sandro Muhlach ng sexual abuse, nagtungo muli sa National Bureau of Investigation ang bagitong artista, kasama ang kanyang ama na si Niño, para sa kaniyang behavioral therapy session nitong Miyerkoles.

Ilang saglit matapos umalis ang mag-ama, dumating naman ang mga legal counsel ng dalawang akusado sa reklamo ni Muhlach na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Hindi na nagbigay ng detalyadong sagot si Muhlach nang tanungin tungkol sa tahasang pagtanggi nina Nones at Cruz sa mga akusasyon niya sa kanila. Sinabi nitong sasarilin na lang niya ang saloobin at sa korte na lang ito sasabihin.

Labis pa rin daw siyang naaapektuhan ng mga pangyayari, sabi ni Muhlach.

ADVERTISEMENT

"Right now I can't say I'm okay. 'Yung  totoo, I am not okay.  Nandito ako sa NBI kasi I'm having my evaluation sa behavioral science division. It's the therapy for myself and for my mental health. May anxiety ako, hindi ako nakakatulog," aniya.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.