'Tao Po' : Kilalanin si Mylene Dizon bilang isang ina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po' : Kilalanin si Mylene Dizon bilang isang ina

'Tao Po' : Kilalanin si Mylene Dizon bilang isang ina

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Mommy ang aktres na si Mylene Dizon sa dalawang anak — ang 19 -years-old na si Tomas at 15-years-old na si Lucas.

Aminado si Mylene na istriko siyang ina. Kwento niya, "I am a very very strict mother. May curfew sila, may oras lang ng paggamit sana ng gadget as much as possible."

Hanggang nasa puder niya umano ang mga anak ay kailangan siyang sundin ng mga ito.

"I want them to always do their best. I am, hangga't minor sila or nakatira sila sa puder ko, gusto ko rules ko ang masusunod. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko pinapakinggan ang mga anak ko. Gusto nila kalabanin 'yung rules ko, pinapakinggan ko rin 'yun and I also encourage it," ani Mylene.

ADVERTISEMENT

Solong pinalaki ni Mylene ang kanyang mga anak. "I play both mommy 'tsaka daddy. 'Yung roles na 'yun I have to do both. I have to be strict and at the same time fun.  Naniniwala ako na 'yun lang ang disiplina at mga pangaral ko lang ang maiiwan ko sa kanila. And bahala na sila kung ako gusto nila gawin doon."

Pag-amin naman ng aktres, hindi niya prayoridad ang makapag-asawa. "I am not a person who wants a husband. Hindi siya priority sa akin katulad ng iba.  I don’t want to be dependent on anybody."

Ngayong Hulyo, isa sa mga bumibida si Mylene sa seryeng "Pamilya Sagrado."

Gumaganap siya bilang si Mercedes Sagrado na asawa ni Gob. Raphael Sagrado na karakter naman ni Piolo Pascual.

Sabi ni Mylene: "Si Mercedes Sagrado is somewhat a trophy wife. Isa akong parang dating beauty queen who had ambition to be part of this family. I was very ambitious and it wasn’t really a relationship that was born out of love to begin with."


Ulat ni Job Manahan para sa programang 'Tao Po." (June 30, 2024)


Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.