OPM legend Coritha, kailangan ng tulong matapos ma-stroke | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OPM legend Coritha, kailangan ng tulong matapos ma-stroke

Reyma Deveza,
ABS-CBN News
Published Jul 31, 2024 10:05 AM PHT
|
Updated Aug 01, 2024 07:39 AM PHT

MAYNILA -- (UPDATED) Nangangailangan ng tulong ang 80s OPM icon na si Coritha matapos itong ma-stroke.

Bedridden o nakaratay sa higaan ang dating sikat na folk singer na inaalagaan ng kanyang partner na si Chito Santos.

Sa pinakabagong vlog ni Julius Babao, binisita nito si Coritha na naninirahan sa Tagaytay.

Matatandang nasunog ang bahay ni Coritha noong Oktubre 2018. Dinala siya ni Santos sa Tagaytay.

ADVERTISEMENT
Screen grab: YouTube/Julius Babao UNPLUGGED

"Ayos naman siya kaya lang hindi siya makapagsalita pero 'yung pakiramdam niya matalas," ani Santos na nakilala si Coritha noon pang dekada 80 sa isang concert nito sa Escolta, Manila.

Naikuwento rin ni Santos kung ano ang nangyari kay Coritha at humantong ito sa pagiging bedridden.

"Diabetic kasi siya eh. Tapos isang beses naiwan ko ang guyabano sa lamesa kinain niya 'yung dalawang malaki. Noong madaling araw... para siyang latang-lata at dinala ko ospital. Noong makita ang CT scan marami na raw siyang atake na hindi lang napapansin," pagbabalik-tanaw ni Santos.

Matapos ma-ospital ay inuwi ni Santos si Coritha. "Nag-normal naman, 'yun lang hindi siya makapagsalita."
Matapos ma-ospital ay inuwi ni Santos si Coritha. "Nag-normal naman, 'yun lang hindi siya makapagsalita."
Screen grab: YouTube/Julius Babao UNPLUGGED

Kuwento ni Santos, higit 30 taon silang hindi nagkita ni Coritha at muling nagkrus ang kanilang landas noong masunugan si Coritha.

Sa ngayon ay naitatawid pa ni Santos ang pang-araw-araw na pangangailangan ni Coritha, pero aminado siyang hindi ito madali. Sa mga nais tumulong sa sikat na folk singer, maaaring magpadala kay Santos.

Sa vlog, ipinakita rin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ni Babao para sa mang-aawit.

NItong Miyerkules ng hapon, inanunsiyo ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit (OPM) na batid na nila ang kalagayan ni Coritha.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang organisasyon para mabigyan ng tulong ang batikang mang-aawit.

"We have been informed regarding the situation of OPM folk icon Coritha and we are in coordination with the people assisting Ma'am Coritha on how OPM can assist. We are also currently working on a fundraiser show happening this August for the benefit of Ma'am Coritha. More details coming soon," ayon sa post nito.

Socorro Avelino sa totoong buhay, sumikat si Coritha sa kanyang mga awiting tulad ng "Oras Na," "Si Lolo Jose," "Sierra Madre," at "Gising Na Oh Kuya Ko."

Sa mga nais magbigay ng donasyon sa folk singer maaaring i-send ito sa GCash ni Santos sa numerong 09669003365.