'Showtime,' may bagong segment na 'Bata Bata Pick!' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Showtime,' may bagong segment na 'Bata Bata Pick!'

'Showtime,' may bagong segment na 'Bata Bata Pick!'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Inilunsad ng "It's Showtime" nitong Martes ang pinakabagong segment na "Bata Bata Pick!"

Sa pinakabagong palaro, pagalingan sa diskarte ang "Showtime" family sa pagpili ng bata na makakagawa ng challenge.

Sa segment, bubunot ng dalawang host at ang unang host na mabubunot ay ang siyang "player."  Ang "player" ang siyang pipili ng bata na sa tingin niya ay makakagawa ng challenge.

Sa bawat challenge na maipapanalo ng pambatong bata ng "player" ay may ipamimigay na P10,000 sa madlang people o studio audience.

ADVERTISEMENT

Ang pangalawang mabubunot naman ay ang "alay." Kapag hindi nagawa ng pambatong bata ang challenge,  ang alay na mapapatawan ng punishment o parusa.

Para sa unang araw ng "Bata Bata Pick!" si Cianne ang unang "player" at ang kanyang "alay" ang komedyanteng si MC. Pinili naman ni Cianne bilang kanyang pambatong bata ay si Kelsey.

Sa challenge na palayuan nang pagpapalipad ng eroplanong papel, natalo ang pambatong bata ni Cianne na si Kelsey laban kay Argus. Dahil sa natalo, ang pagsuot ng damit ni Cianne ang naging parusa kay MC. 

Pangalawang nabunot naman na "player" ay si Vhong Navarro at ang "alay" ay si Kim Chiu. Sa hamon na pahabaan ng "Happy Birthday To You," wagi ang pinili nilang pambatong bata na si Kulot laban kay Jaze.

Huling "player" naman ay si Jhong Hilario at ang "alay" ay si Vice Ganda. Sa hamon na patagalan nang paghu-hula hoop, natalo ang pambatong bata ni Jhong na si Argus laban kay Jaze.

At dahil sa pagkatalo, napatawan ng parusa si Vice kung saan kinailangan niyang mag-headbang o paikutin ng mabilis ang kanyang dahilan para malaglag ang kanyang wig.

Bago matapos ang segment,  dalawang studio contestant ang nagwagi ng tig-P5,000 dahil sa pagkanalo nina Kim at Vhong.

Mga kaugnay na video:





ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.