'PBB' housemate Dingdong, nakapasok na sa Bahay ni Kuya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'PBB' housemate Dingdong, nakapasok na sa Bahay ni Kuya

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2024 10:38 AM PHT

MAYNILA -- Nakapasok na sa wakas ng Bahay ni Kuya ang "Pinoy Big Brother Gen 11" housemate na si Dingdong, ang Charismatic Partner ng Taguig.

Sa episode nitong Miyerkoles, nakapasok si Dingdong sa dilaw na bahay, matapos na magtagumpay ang kanyang partner na si Patrick na magawa ang hamon ni kuya na makumbinsi ang ibang kasamahan na gawin siyang "official housemate."

"Nagkasundo rin kami ni Patrick na hindi maaring malaman ng iba ang tungkol sa inyo. Ngunit hindi ka papasok bilang housemate. Dahil tulad ni Patrick, kinakailangan mong makuha ang pagiging 'official housemate' mo," ani Kuya.

At para makatulong sa kanyang task isang name plate na may pangalang Denn ang ipinasuot sa kanya ni Kuya bago siya tuluyang makilala ng ibang housemates.

Matatandaang sa unang gabi ng mga housemates sa Bahay ni Kuya ay binigyan sila ng hamon na piliin ang unang tatlo sa 11 na magiging "official housemates."

Lingid sa kaalaman ng housemates, ang anunsiyo ay hindi totoo at layon lang nito na masubok ang kanilang paninindigan at kagustuhang manatili sa loob ng Bahay ni Kuya. Ibig sabihin, lahat sila ay housemates na.

Sa huli, ang tatlong pinili ng mga housemates ay sina Patrick, Brx at Jas. At dahil isa sa mga napili, nagawang magtagumpay ni Patrick sa unang hamon sa kanya ni Kuya na kailangan niyang maging "official housemate" para makapasok din sa PBB house ang kanyang partner na si Dingdong.

Nitong Sabado ay opisyal na nagbukas ang Bahay ni Kuya para sa bagong housemates na pasok sa "PBB Gen 11."

Mapapanood ang "Pinoy Big Brother Gen 11" mula Lunes hangggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Tuwing Sabado at Linggo, mapapanood din ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TV5.

Mga kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT