Smugglaz pinabulaanan ang 'attitude problem issue' ni Ivana Alawi sa 'Batang Quiapo' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Smugglaz pinabulaanan ang 'attitude problem issue' ni Ivana Alawi sa 'Batang Quiapo'

Kiko Escuadro,
ABS-CBN News
Published Jul 23, 2024 04:18 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2024 04:52 PM PHT

MAYNILA -- Dumipensa ang rapper-singer na si Bryan Lao o mas kilala bilang si Smugglaz sa mga kumakalat na isyu laban sa kaniyang kasamahan na si Ivana Alawi sa hit Kapamilya primetime series "FPJ's Batang Quiapo."

Kasunod ito ng naging mainit usapin sa social media na umano'y, "attitude issue" ni Alawi sa set ng Kapamilya series na dahilan para pansamantalang ipahinga ang karakter nito bilang si Bubbles na leading lady ni Tanggol na ginagampanan naman ng aktor na si Coco Martin.

Ayon kay Smuglazz na gumaganap bilang si Juanito 'Kidlat' Bautista sa "Batang Quiapo," hindi nila naramadaman na nagkaroon ng "pa-istar" sa kanilang set.

"Sa amin kasi kapag may lumulutang na ganyan, si Direk Coco (Martin) kasi lahat ng pinupuwesto niya, lahat iyan naka-tono. Kumabaga, naka-tono para blend tayo. Sa tingin ko sa pagtatagal ni Ivana, 'di mo masasabing nag-attitude kasi si Ivana, kapag kasama namin sa set sobrang bait niya e, kalog rin siya so kung paano mo siya nakikita hindi naman siya pa-istar," paliwanag ni Smugglaz sa naging panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT
Hindi rin sa "Batang Quiapo" nagsimula na maka-trabaho ng mga aktor si Alawi na minsan na rin naging bahagi ng matagumpay na "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan nakasama rin nito ang iba pang artista.

"Kasi bago pa man namin siya nakasama sa 'Batang Quiapo', kasama na namin siya sa 'Probinsyano', nagkakausap na kami noon hindi pa siya leading lady ang role pa niya noon kina Ryan Eigenmann so nagkasama na kami sa dati kaya hindi na bago. Siguro mas mainit lang ngayon kasi nga si Ivana na siya. Pero ramdam naman niya ang respeto sa amin sa set at nakikita niya 'yun at sinusuklian niya kaya maayos kami sa set," paliwanag pa ni Smugglaz.

Dagdag pa ni Smugglaz, bilang malapit sa aktor at direktor ng programa na si Coco Martin, hindi aniya nila naramdaman na nagkaroon ng ganitong problema sa kanilang samahan dahil nakatutok ang lahat sa pagpapabuti ng bawat eksena ng programa.

"Si direk Coco kasi hindi naman plastik na tao 'iyan e, hindi 'yun showbiz na tao. Black and white siya sobrang black and white niya. Pero kapag nainis na talaga siya, lalo kapag kainis-inis naman talaga mararamdaman mo lalo kapag ikaw 'yung mga kadikit niya, so talagang makikilala mo si Direk sa tagal ng panahon at magtutugma rin kayo," saad pa nito.

At bukod sa pagkakataon na maginng parte ng "Batang Quiapo" pinasalamatan rin ni Smugglaz si Martin sa mga pagkakaon na ibinigay nito sa kaniya kabilang na ang pag-awit ng soundtrack ng programa na masasabi niya na isa sa mainstream break niya sa kaniyang karera bilang isang recording artist.

“Talagang supportive po yan kung ano man mga kailangan ko sasabihin nun kapag may kailangan ka magsabi ka lang at nandyan naman ang mga tropa,” pahayag pa nito.

Kasabay ng "Batang Quiapo" inilabas rin ni Smugglaz kamakailan ang kaniyang bagong awitin na "Piging" na kaniya naman inalay sa kaniyang pumanaw na kapatid.