'PBB Gen 11' housemates, tagumpay sa unang hamon ni Kuya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB Gen 11' housemates, tagumpay sa unang hamon ni Kuya

'PBB Gen 11' housemates, tagumpay sa unang hamon ni Kuya

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Nagtagumpay ang "Pinoy Big Brother: Gen 11" housemates sa hamon ni Kuya sa unang gabi nila sa kanyang bahay na piliin ang unang tatlo na magiging "official housemates."

Matapos makapasok sa sikat na dilaw na bahay,  inanunsiyo ni Kuya sa mga bagong housemates na 11 lang ang magiging "official housemates" sa loob ng kanyang bahay. Bilang unang task,  binigyan lang ni Kuya ang housemates ng isang oras para magdesisyon kung sino ang unang tatlo na makakasama sa 11 "official housemates."

Lingid sa kaalaman ng housemates, ang anunsiyo ay hindi totoo at layon lang nito na masubok ang kanilang paninindigan at kagustuhang manatili sa loob ng Bahay ni Kuya. Ibig sabihin, lahat sila ay housemates na.




Sa huli, ang tatlong pinili ng mga housemates ay sina Patrick, Brx at Jas. At dahil isa sa mga napili, nagawang magtagumpay ni Patrick sa unang hamon sa kanya ni Kuya na kailangan niyang maging "official housemate" para makapasok din sa PBB house ang kanyang partner na si Dingdong.

ADVERTISEMENT


"Sobrang saya Kuya kasi isa sa task na ibinigay niyo ay maging official housemate para makasama si Dingdong... Sobrang halaga nito kasi hindi lang ito para sa akin kung hindi para sa amin ni Dingdong, nagtiwala siya sa akin, dapat magtiwala rin ako sa sarili ko na kaya ko, luckily nagawa ko para sa amin," ani Patrick na miyembro ng LGBTQIA+.

"Dahil napagtagumpayan mo ang aking hamon para sa iyo, ibig sabihin ay matutupad ang ating kasunduan. Kung kailan ito mangyayari ay malalaman mo sa takdang panahon," ani Kuya.

Nitong Sabado ay opisyal na nagbukas ang Bahay ni Kuya para sa bagong housemates na pasok sa "PBB Gen 11."

Mapapanood ang "Pinoy Big Brother Gen 11" mula Lunes hangggang Biyernes sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Tuwing Sabado at Linggo, mapapanood din ito sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TV5.


MGA KAUGNAY NA VIDEO:









ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.