Star Magic, naglabas ng pahayag sa pag-alis ni Ivana Alawi sa 'Batang Quiapo' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Star Magic, naglabas ng pahayag sa pag-alis ni Ivana Alawi sa 'Batang Quiapo'

ABS-CBN News
Published Jul 17, 2024 01:05 PM PHT
|
Updated Jul 17, 2024 01:27 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA -- Naglabas na ng pahayag nitong Miyerkules ang Star Magic tungkol sa pag-alis ng aktres na si Ivana Alawi sa sikat na seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

Ayon sa Star Magic, hindi totoo ang mga naglalabasang tsismis tungkol sa dahilan ng pag-alis ng aktres sa serye.

Sa pahayag, pinasalamatan din ng Star Magic si Alawi para sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa mga katrabaho at pagbibigay serbisyo nito sa mga manonood.

Narito ang buong pahayag ng Star Magic:
Narito ang buong pahayag ng Star Magic:
ADVERTISEMENT
"Nais ipaalam ng Star Magic na walang katotohanan ang mga bali-balitang lumalabas tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJ's 'Batang Quiapo.'

"Magmula nang naging parte si Ivana ng serye, mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa karakter ni Ivana na si Bubbles at ang tambalan nila ni Coco Martin kaya naman naging daan ito para humaba ang kanyang pananatili sa serye ng higit sa napagkasunduang tatlong buwan.

"Nagpapasalamat kami sa dedikasyon, pagmamahal at masayang samahan na ipinamalas ni Ivana sa kanyang mga katrabaho, at sa pagbibigay serbisyo sa manonood.

"Lubos din ang pasasalamat namin kay Coco at sa lahat ng bumubuo ng 'Batang Quiapo' sa oportunidad na ibigay kay Ivana na maging bahagi ng nangungunang teleserye.

"Salamat sa inyong pang-unawa at suporta."

Noong nakaraang linggo, sa panayam kay Perry P. Lansingan, talent manager ni Alawi, nilinaw nito ang bali-balitang may "attitude problem" ang aktres sa set ng "Batang Quiapo."

Iginiit ni Lansingan, tatlong buwan lang dapat talaga mananatili sa serye si Alawi base sa napagkasunduan pero humaba pa ito dahil sa naging mainit ang tambalan ng mga karakter nina Alawi at Martin sa mga manonood.

"From the very start... Three months lang dapat talaga ang kaniyang pag-iistay sa nasabing teleserye. Three months ang kanilang napagkasunduan at um-okay si Ivana. Pero dahil nag-click ang tambalan ni Bubbles at ni Tanggol, na-extend nang na-extend at nadagdagan pa ng maraming taping," ani Lasingan sa "Showbiz Sidelines."

"Hanggang sa hindi na po kinaya ng schedule bilang meron din pong mga prior commitment si Ivana sa mga shoots, vlogs and etc na na-oohan ng kaniyang management. Hindi na kakayanin talaga ni Ivana," dagdag ng talent manager.

Matatandaang Agosto 2023 nang magsimulang maging parte ng "Batang Quiapo" si Alawi.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Mga kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT