Baby Giant ramdam ang pressure bilang kapalit ni Dagul Pastrana sa 'Goin Bulilit' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baby Giant ramdam ang pressure bilang kapalit ni Dagul Pastrana sa 'Goin Bulilit'

Kiko Escuadro,
ABS-CBN News
Published Jun 27, 2024 11:29 PM PHT

MAYNILA -- Bagong hamon para sa small but terrible star na si Baby Giant ang pagiging bahagi sa muling pagbabalik ng kiddie gag show na "Goin Bulilit."

Sa naging panayam ng ABS-CBN News kay Renz Joshua Baña, o mas kilala bilang si Baby Giant, inamin niya na ramdam niya pressure sa pagkakataong ibinigay sa kaniya ng direktor ng programa na si Bobot Mortiz bilang kapalit ni Dagul Pastrana sa kiddie gag show.

"Na pressure po talaga ako, kasi first time ko talaga first time ang mga nangyayari sa akin na ganito masaya kaya thankful ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon," ani Baby Giant.

Ayon pa sa small but terrible star, hindi ganun kadali na palitan ang iniwan na marka ni Dagul sa kiddie gag show na isa sa mga kinagiliwan ng mga manunuod ng programa.

"Nirerespeto po natin si Kuya Dagul kasi siya pa rin 'yung isa sa mga kilalang bumuo sa 'Goin Bulilit', pero maipapangako ko po na mabibigyan ko po ng mas masaya at nakakatuwang programa," pahayag ni Baby Giant.

Sa pamamagitan naman ng isang TikTok Video nakiusap ang anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana na tigilan na aniya ang pag gawa ng malisyosong balita laban sa kaniyang ama.

"Gusto ko lang i-clear sa inyo, na hindi ako malungkot dahil wala si Papa sa 'Goin' Bulilit'," sambit ni Jkhriez sa video.

Aniya, iba man ang pinili ngayon ng programa hangad rin nila na magpatuloy pa ang kasiyahan na ibibigay ng kiddie gag show.

"Nalulungkot lang ako sa mga issue na lumalabas. And okay lang sa akin na wala si Papa sa Goin' Bulilit. Okay lang sa amin guys kasi choice nila 'yun. I'm so happy din sa bago pero nalulungkot ako guys sa mga issue na nangyayari. Ayoko kasi ng issue guys. Mas gusto ko lang na clear tayong lahat and good vibes," pahayag nito.

Simula ngayong July 1, mapapanood na ang "Goin Bulilit" bago mag TV Patrol.