‘Karera’ ng BINI, patok na graduation song sa mga eskwelahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Karera’ ng BINI, patok na graduation song sa mga eskwelahan

“Huwag mag-alala, buhay ay ‘di karera…”
“Huwag mag-alala, buhay ay ‘di karera…”
Viral sa social media ang mga seremonya ng pagtatapos ng iba’t ibang eskwelahan na ginamit ang kantang “Karera” ng OPM group na BINI bilang graduation song.

Sa mga video na makikita online, aktibo at masayang umaawit ang mga estudyante at kaguruan. Ang ilang paaralan pa, sinamahan din ito ng sayaw.

Isa sa mga eskwelahang gumamit ng kantang "Karera" sa kanilang graduation rites ay ang Tagaytay City Science National High School-ISHS.

Ayon kay Ruru Pura, isang guro mula sa naturang paaralan na certified BLOOM din, napili nila ang awit ng BINI dahil nais nila na maka-relate ang mga estudyante sa kanilang sariling graduation song.

"The song is very catchy and upbeat... Aside from that po, maganda yung meaning ng kanta. Life is not a race, ika nga. May kanya-kanya tayong timeline sa buhay," wika niya.

Dagdag pa ni Pura, magandang ehemplo ang mga kanta ng BINI para sa Gen Z.

Sa Baccalaureate Mass naman ng University of Santo Tomas nitong Biyernes, isa sa mga bumidang awit ng BINI ang “Karera” kaalinsabay sa pyromusical show ng unibersidad.

Para sa ilang netizens na nagbahagi ng kanilang saloobin online, napapanahon kasi ang mensahe ng “Karera” na dapat walang pressure kung gaano kabilis dapat magtagumpay ang isang indibidwal.