Vice Ganda ipinaliwanag ang pagkakaiba ng 'love' at 'in love' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda ipinaliwanag ang pagkakaiba ng 'love' at 'in love'

Vice Ganda ipinaliwanag ang pagkakaiba ng 'love' at 'in love'

ABS-CBN News

Clipboard

Sumalang sa "EXpecially For You" ng "It's Showtime" nitong Biyernes ang ang ex-couple na sina Christine at Derick.

Sa kanilang naging pagbisita sa 'EXpecially For You', ibinahagi ng ex-couple na isa sa mga naging rason ng kanilang naging hiwalayan  ay ang unti-unting pagbabago at pagkalimot sa kanilang mga espesyal na okasyon sa kanilang relasyon. 

Dito, ibinahagi ng Kapamilya host na si Vice Ganda ang kaniyang saloobin sa naging sitwasyon ni Christine at Derick na nauwi sa hiwalayan na nagsimula lang dahil sa maliit na problema.

"Alam mo 'yung difference ng love sa in love? Kasi puwede niyang sabihin na mahal ko naman siya e, 'yun din 'yung pinagkaiba ng mahal mo ba siya o iniibig mo siya. Kasi 'yung mahal, puwede mo siyang ibigay sa lahat sa maraming tao, pero 'yung iniibig mo siya na ipinaparamdam mo, ibinibigay mo lang iyan sa pinaka-natatangi," paliwaag ni Vice sa ex couple.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Vice, isa sa masasabi niyang dapat nauwan at unawin ng mga couple ay ang pagkakaiba ng salitang mahal at pagmamahal. 

"Kaya kung nararamdaman ko na mahal niya ako o sinasabi mo na mahal ko na naman siya e, pero, napaparamdam mo ba sa kaniya kung iniibig mo ba siya? Napapramdam mo ba 'yung pagiging natatangi niya," ani Vice. 

Isa rin sa naging payo ni Vice kay Christine at Derick at sa iba pang couple ay ang pag-maintain ng sense of intimacy sa isang relasyon. 

"Para ma maintain mo 'yung pagiging in love mo doon sa relationship, it is a combination of constant combination of both conscious and unconscious efforts," saad pa ng Kapamilya host.

"Ang pagkakaiba ng mahal sa pag-ibig, 'yung unique sense of intimacy, unique sense of intimacy. Kung hindi nararamdaman, kung hindi na evident sa relasyon 'yung uniqe sense of intimacy mahal mo na lang siya pero hindi mo na siya iniibig kasi wala ng katangi tangi sa nararamdaman niyo sa isa't isa wala na kayong ginagawa sa isa't isa na katangi tangi.'yung pinpakita at ginagawa at ginagawa niyo sa isa't isa napapakita niyo na sa lahat at wala ng espesyal," pahayag pa niya. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.