Vice Ganda, kumasa sa 'Piliin Mo Ang Pilipinas' TikTok challenge | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice Ganda, kumasa sa 'Piliin Mo Ang Pilipinas' TikTok challenge

ABS-CBN News
Published May 10, 2024 09:17 PM PHT
|
Updated May 11, 2024 12:32 PM PHT

(UPDATE) Kumasa na rin sa "Piliin Mo Ang Pilipinas" TikTok trend ang "It's Showtime" host na si Vice Ganda.

Hot topic ngayong Biyernes ng gabi ang "socially relevant" entry ng Kapamilya host kung saan ibinida ni Vice ang maiinit na usapin ngayon sa bansa kabilang na ang araw-araw na kalbaryo ng mga commuter sa traffic, ang jeepney modernization program, at ang mainit na isyu ng West Philippine sea.

"Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita Pilipinas," pahayag ni Vice sa huling bahagi ng kaniyang video, habang ibinandera ang watawat ng Pilipinas.

Umani ng puri mula kay Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea, na nagpasalamat din kay Vice sa "patuloy na pagpili sa Pilipinas."

Sa isang pahayag sa X, na dating Twitter, nanawagan din si Tarriela na ipaglaban ang West Philippine Sea, kung saan patuloy ang mga agresibong gawain ng China.

"Kahit mahirap siyang ipaglaban, sama sama tayong piliin ang Pilipinas! Ang West Philippine Sea ay parte ng Pilipinas, piliin nating tindigan ito para sa susunod na lahi ng kabataang Pilipino!" ani Tarriela.

KAUGNAY NA ULAT: 'Piliin mo ang Pilipinas' trend takes over social media
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT