Red Ollero, sumabak na rin sa pelikula sa 'I Am Not Big Bird' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Red Ollero, sumabak na rin sa pelikula sa 'I Am Not Big Bird'

Kiko Escuadro,
ABS-CBN News
Published Feb 04, 2024 12:21 PM PHT

MAYNILA - First time actor sa upcoming comedy movie na "I Am Not Big Bird" ang stand-up comedian na si Red Ollero.

Kuwento ni Ollero, hindi niya inasahan na maguugustuhan at personal siyang pipiliin ng aktor at first time producer na si Enrique Gil na maging bahagi ng comeback movie nito.

"Ako, ayoko talaga mag-film masyado kasi parang natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan. Kasi hindi ako magaling na aktor, alam mo iyun? So baka hindi bagay, e. Dito mapapa-step up ka talaga kasi 'yung mga kasama mo sa scenes ang gagaling," ani Ollero.

Bilang isang komedyante, hindi inasahan ni Ollero na hindi lang din basta sa pagpapatawa iikot ang kuwento ng "I Am Not Big Bird."

"Sobrang ganda nung puso ng script. Kasi noong una, siyempre tinaggap ko siya, sabi ko, 'O lokohan dito masaya.' Tapos mamayamaya sa daloy ng script hindi lang siya parang puro kalokohan," aniya.

Iba man ang kaniyang naging background sa pagpapatawa, tila kaisa ni Ollero ang layunin ng pelikula na ibalik ang comedy sa panlasa ng mga manunuod.

"Comedy, I hope it gets more and more projects and more and more exposure to more people kasi right now nakikita rin ng mga tao na okay, nanunood na ang mga tao ng Jokoy, nanunood na ng mga comedy content kasi sa Netflix nakikita nila lahat. So parang makita nila, mapansin nila na 'uy may eksena rin sa Pilipinas na ganito na pwede gawin. Hopefully, dumating rin tayo sa comedy na hindi lang sa stage, sa films and everything," pahayag pa ng komedyante.

Mapapanood ang "I Am Not Big Bird" ngayong Pebrero 14 sa direksyon ni Victor Villareal.