Angel Locsin napili bilang bagong ambassador kontra pamimirata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angel Locsin napili bilang bagong ambassador kontra pamimirata

Angel Locsin napili bilang bagong ambassador kontra pamimirata

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Bago pa man matapos ang taon, nagkaroon muli ng bagong pagkakataon si Angel Locsin para makapaglingkod.

Ito'y matapos siyang italaga bilang ambassador para sa anti-piracy campaign ng Optical Media Board.

"Hindi ko iniisip na parang ako lang. Para sa akin tayong lahat ambassador nito kasi ito 'yung industriyang bumubuhay sa mga pamilya natin," anang aktres.

Maging si Locsin, naging biktima ng pamimirata sa kaniyang mga naging pelikula, kaya naman matindi ang pagsuporta niya sa bagong tungkulin.

"Simula nung pumasok ako sa industriya, talagang talamak na 'yung pamimirata... Marami akong nakitang producers na umiiyak at nararamdaman ko na paliit nang paliit talaga 'yung movie industry."

Bukod naman sa ilang charity works at projects, tututok na muna si Locsin sa wedding preparations niya sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT


—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.