Janine Berdin, may natanggap na 'Christmas bonus'

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ilang araw bago ang Pasko, natanggap na ni Janine Berdin, grand champion ng Season 2 ng "Tawag ng Tanghalan," ang kanyang "Christmas bonus."

Pero hindi tulad ng sa iba, hindi pera ang natanggap ni Janine.

"Naging regular na po ako sa 'ASAP.' Isa na po ako sa mainstay," ani Janine. "Thank you so much po."

Maliban sa mabuting takbo ng karera, masaya rin si Janine sa mas maganda niyang relasyon sa kanyang pamilya.

"Actually nagkakasundo naman po talaga kami palagi. Pero this year since malayo po ako sa kanila, mas nache-cherish na po 'yung time namin with each other kasi alam namin 'yung feeling na wala 'yung isa't isa," ani Janine na tubong Cebu.

"Masasabi ko kasi na sa world na ito, sa industry na ito, ay bago pa lang po ako. While grateful po ako at alam ko na sobrang blessed ako, may times na napi-pressure ako, nao-overwhelm at sobrang lucky ko po sa pamilya ko at sa mga taong naka-surround sa akin. Palagi silang nagre-remind sa akin na blessed ako at dapat akong maging grateful lagi," ani Janine.

Sa Araw ng Pasko, sinabi ni Janine na kung hindi siya makakauwi sa Cebu ay ang pamilya niya ang pupunta sa Maynila para sila'y magkasama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.