Rachel Alejandro, inalala ang 'That's Entertainment' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rachel Alejandro, inalala ang 'That's Entertainment'

Rachel Alejandro, inalala ang 'That's Entertainment'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Rachel Alejandro na bata pa lang siya ay gusto na niya maging isang mang-aawit.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, inamin ni Rachel na nakuha niya ang hilig sa pagkanta dahil sa kanyang amang si Hajji Alejandro.

Ayon kay Rachel, sobrang lapit niya sa kanyang ama na isa sa mga haligi ng OPM.

"Hindi na ako mapigilan. Siguro mga bandang 8 years old, I already came out in my first musical. Kasi nga kulit ako ng kulit sa daddy ko na gusto kong mag-audition. As in hindi talaga ako mapigil," ani Rachel.

Pagbabalik-tanaw pa ni Rachel, parte ng kanyang kabataan ang pagiging bahagi ng sikat na talent show na "That's Entertainment."

ADVERTISEMENT

"Hindi ako masyadong nakapag-party-party (noon) katulad ng ibang teenagers kasi nga I was part of a show na super sikat during that time 'yung 'That's Entertainment.' So wala, wala talaga akong oras para mag-enjoy pero of course ini-enjoy ko ang trabaho ko at mga kasama ko. Parang sila na 'yung barkada ko, yung ibang artista, " dagdag ni Rachel na lumaki sa kanyang lola matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Pag-edad niya ng 18 taon, tuluyan nang bumukod si Rachel sa kanyang lola para magsimula ng sariling buhay.

Si Rachel ang napasikat sa mga awiting tulad ng "Paalam Na," "Nakapagtataka" at "Kay Tagal." Mapapanood siya sa pelikulang "Ang Larawan" na kasali sa paparating na Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.