'Ako founder niyan': Angeline, nasanay na sa 'malamig' na Pasko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Ako founder niyan': Angeline, nasanay na sa 'malamig' na Pasko

'Ako founder niyan': Angeline, nasanay na sa 'malamig' na Pasko

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2019 05:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi apektado ang mang-aawit na si Angeline Quinto kahit pa miyembro pa rin siya ng "Samahan ng Malalamig ang Pasko" o SMP.

Sa pagbisita ni Angeline sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, nakuha pang magbiro ni Angeline.

"Samahan ng Malalamig ang Pasko, actually ako po ang founder niyan," makulit na hirit ni Angeline.

"Siguro nasanay na po ako. Siguro ilang Pasko na rin 'yung single ako, siguro mga apat (na taon). Pero kagaya nga nang sinasabi ko sa ibang tao, napakaraming paraan para maging masaya," ani Angeline.

Giit ni Angeline, masaya at kontento na siya sa darating na Pasko na kasama ang kanyang buong pamilya.

ADVERTISEMENT

"Saka sobra-sobra na po sa akin na makasama ko lang po 'yung buong pamilya ko. Kontento na po ako roon," ani Angeline.

Ayon sa mang-aawit, sakaling dumating ang isang bagong pag-ibig para sa kanya ay siguradong ipapaalam niya ito.

"Ang maipapangako ko lang po kapag dumating 'yung time na 'yon, sakaling dumating ang lalaking ibibigay ng Diyos para sa akin, ay dito ko po talagang unang ishi-share sa 'Magandang Buhay,'" ani Angeline na huling naugnay sa kapwa mang-aawit na si Erik Santos.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.